Miss Universe Organization, hangang-hanga sa pagiging masiyahin ni Miss Universe Pia Wurtzbach

ADVERTISING

Miss Universe Organization, hangang-hanga sa pagiging masiyahin ni Miss Universe Pia Wurtzbach

Miss Universe Organization, hangang-hanga sa pagiging masiyahin ni Miss Universe Pia Wurtzbach
Miss Universe Pia Wurtzbach

ANG pagiging masayahin ni Miss Universe Pia Wurtzbach, na likas na ugali rin ng mga Pilipino, ay hinahangaan umano ng presidente ng Miss Universe Organization (MUO).

Sinabi ni MOU President Paula Shugart na saktong-sakto umano ang motto ng pageant na “confidently beautiful” na gamitin bilang paglalarawan kay Pia. Bukod pa rito, hangang-hanga raw si Paula sa pagiging mapagbigay at palatawa rin ni Pia.

Ayon pa kay Paula, ang pagiging masayahin daw ng reigning Miss Universe ay lalo lamang nagpapaganda sa kanya at nagpapakita kung gaano siya kakampante sa kanyang sarili.

Sabi pa ng MOU official, nananatiling maganda at kampante ang Pinay beauty queen sa halos mag-iisang taon nitong pagiging Miss Universe.

ADVERTISING

Samantala, sa nalalapit kayang Miss Universe pageant, muling magningning ang kagandahan at talino ng isang Pinay?

Kamakailan ay nagpahayag ng kumpiyansa ang isa pang Pinay beauty queen, si 2011 Miss Universe third runner-up Shamcey Supsup, sa kinatawan ng Pilipinas na si Maxine Medina sa papalapit na Miss Universe pageant.

Pinayuhan niya si Maxine para sa darating niyang laban. Aniya, huwag dapat itong magpadadala sa mga pressure at sana ay gamitin nito ang advantage sa pagiging kasalukuyang Miss Universe ni Pia, kung saan nasa Pilipinas agad ang lahat ng atensyon.

Sa True Lang
by Throy Catan

ADVERTISING