Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, so-so lang ang mga TV interviews sa US

ADVERTISING

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, so-so lang ang mga TV interviews sa US

Pia-WurtzbachNapanood namin sa social media ang TV interviews kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga programa sa US. Sadly, while we were impressed by Pia’s intelligence and queenly stance ay so-so lang ang paraan ng pag-iinterbyu sa kanya.

ADVERTISING

Personally, we can’t wait to see Pia Wurtzbach on Boy Abunda’s The Bottomline (for sure, the interview has already been scheduled upon Pia’s return). Naging judge na noon si Kuya Boy sa Binibining Pilipinas, himself a pageant aficionado.

Previously on his show ay naisalang na nito si Melanie Marquez at ang isang batch ng lahat ng Binibining Pilipinas titlists who represented the country in various international pageants ng taong ‘yon.

His expectedly in-depth, tell-all one-on-one interview with Pia is surely a must-see.

ADVERTISING

 

MUKHANG NAGIGING outcast na si Mama A (Carmi Martin) sa lalong gumagandang kuwento ng Ismol Family, here’s why sa episode na matutunghayan ngayong Linggo.

Lumipat sina Jingo at Majay with their children sa bago nilang bahay. Pamana ito kay Jingo ng kanyang Mommy Cheena.

Gusto ni Jingo na sila-sila na lang magpapamilya ang lilipat minus Mama A., Bobong, at Lance. Sumang-ayon naman si Majay. Kaso, sumugod pa rin sina Mama A. sa house warming kaya bad trip si Jingo kay Majay.

Since he has other plans para sa kanilang dalawa ni Apol, walang balak sumunod ni Lance kay Mama A.

At the house warming, may matandang gatecrasher na nakikikain unnoticed. Si Bobong ang pumuna rito nang makipaglaro pa sa kanila ng pusoy. Nang itaboy niya ito, it turns out na isa pala itong court sheriff na maghahain ng subpoena kay Jingo dahil  subject for foreclosure pala ang minanang bahay!

Samantala, friends are egging on Ethan and Yumi na mag-level up na. Dapat daw ay tanungin na ni Ethan si Yumi kung sila na as Ethan deserves an answer. Kaso,  na-tense silang pareho nang magkaharap.

Bernie insists naman na isama siya ni Amboy sa isang wedding na dadaluhan nito. Naasar si Amboy sa kakulitan niya at gustong nitong huwag na muna silang magkita.

Abangan ang lahat nang ‘yan this Sunday sa Ismol Family sa GMA 7!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING