Miss Philippines Jeslyn Santos, kinoronahang Miss United Continents 2016

ADVERTISING

 alt=

Miss United Continents 2016 Jeslyn Santos (courtesy of Facebook: The Official Miss United Continents)
Miss United Continents 2016 Jeslyn Santos (courtesy of Facebook: The Official Miss United Continents)

Isa na namang Pinay beauty queen ang nagwagi sa international beauty pageant. Kinoronahan kamakailan ang pambato ng Pilipinas na si Jeslyn Santos bilang Miss United Continents 2016 na ginanap sa Palacio de Cristal sa Guayaquil, Ecuador.

Sa official Facebook page ng Miss United Continents, ibinahagi rito ang pagkapanalo ng Pinay. Ayon sa post, “THE DELEGATE FROM THE PHILIPPINES CROWNED MISS UNITED CONTINENTS 2016

“Jeslyn Santos from Philippines has been crowned Miss United Continents 2016 in Guat=yaquil, Ecuador at Palacio de Cristal.

“The crown wes designed ny Jewelry Designer. Christian Quintero. The design of the crown is base on the concept of the five continents.”

ADVERTISING

Matapos makoronahan, nagbigay ng kanyang mensahe si Jeslyn sa kanyang supporters sa pamamagitan ng Facebook live. Aniya, “I can’t believe it. Thank you!”

Ipinasa ang korona kay Jeslyn ni Miss United Continents 2015 Nathalia Paiva Lago ng Brazil. Habang first runner-up si Mette Riis Sørensen ng Denmark at second runner-up naman si Lopamudra Raut ng India.

Bukod sa kauna-unahang Pinay na nanalo sa nasabing international beauty pageant, ang 23-year old na Bulakenya rin ang kauna-unahan Southeast Asian na nag-uwi ng titulo, ayon sa mga ulat.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING