Miss Mexico bagong Miss Universe; Rabiya Mateo hanggang Top 21 lang

Leo Bukas

BIGO ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa kanyang journey sa 69th Miss Universe pageant. Hindi nasungkit ng beauty queen from Iloilo ang dapat sana ay panglimang korona ng bansa. Hanggang Top 21 o sa semifinal round lang umabot si Rabiya.

Ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, USA nitong Lunes, May 17, 2021 ang Miss Universe coronation night na nilahukan ng more than 70 beautiful delegates from all over the universe.

Miss Mexico bagong Miss Universe; Rabiya Mateo hanggang Top 21 lang
2020 Miss Universe from Mexico Andrea Meza and Miss Philippines Rabiya Mateo

Ang candidate from Mexico na si Andrea Meza ang kinoronahang 2020 Miss Universe.  Last year’s winner was Zozibini Tunzi from South Africa.

Umarangkada ang Mexican beauty queen sa dalawang rounds ng competition. Una, sa Q and A kung saan pinapili ang Top 5 finalist ng judges na magtatanong sa kanila at sa final statement.

Tanong kay Miss Mexico,  “If you were the leader of your country. How would you have handled COVID-19 pandemic?”

Sagot naman niya, “I believe there’s not a perfect way to handle this for situations, such as COVID-19. However, I believe that what I would have done was create a lockdown even before everything was that big.

“Because we lost so many lives and we cannot afford that. We have to take care of our people. That’s why I would have taken care of them since the beginning.”

Para sa kanyang final statement ay napili naman ni Miss Mexico ang topic tungkol sa “changing beauty standards.

Miss Mexico bagong Miss Universe; Rabiya Mateo hanggang Top 21 lang
2020 Miss Universe Andrea Meza (Mexico)

“We live in a society that more and more is more in advanced. as we advance as a society, we also advance in stereotype. Beauty isn’t only the way we look. for me, beauty radiates not only in our spirits but in our hearts and the way we conduct ourselves. never permit someone to tell you you are not valuable.”

Ang iba pang candidates na pumasok sa Top 5 na nakalaban ni Andrea ay si Julia Gama (Brazil), Janick Maceta Del Castillo (Peru), Adline Castelino (India) at Kimberly Jimenez (Dominican Republic).

Sa 2019 Miss Universe ay nakapasok sa Top 15 ang kandidata nating si Gazini Ganado. Dalawang Miss Universe naman ang nai-produce ng Pilipinas nitong year 2000. Sila ay sina Catriona Gray, ang 2018 Miss Universe, at Pia Wurtzbach na nananalo naman noong 2015.