Misis ni Wally Bayola, pinagkakalat na problemado naman silang mag-asawa?

ADVERTISING

Misis ni Wally Bayola, pinagkakalat na problemado naman silang mag-asawa?

Wally-BayolaIS THE wife of Wally Bayola the brains behind the “text information dissemination drive” tungkol sa muling nabuhay na problema nilang mag-asawa?

Initially, nakatanggap ang aming source ng inakala niyang wrong send na text message ni Rizza (maybahay ni Wally) which she received a little past 1 a.m.

Sa mensaheng ‘yon maliwanag ang mga sangkot na karakter kahit hindi pinangalanan ang mga ito ng message sender.

Agad ding nag-text si Rizza who apologized for the text message she wrongly sent(?), which was actually intended for Wally.

ADVERTISING

However, napag-alaman namin na hindi lang pala sa aming source naipadala nang ‘di sinasadya(?) ang mensaheng ‘yon. Ang sumunod na eksena, isang taong malapit kay Wally ang tumawag sa second text message recipient.

Ayon sa kuwento nito, nanginginig na parang imbiyerna ang boses ng tumawag from Wally’s camp. Pilit daw nitong inaalam kung sino ang kanyang source na diumano’y on the rocks na naman ang relasyon nina Wally at Rizza.

Pero buwelta ng tinawagan (the second recipient of Rizza’s alleged text message) sa mersenaryo ni Wally, “Hindi na importante kung kanino galing ang impormasyon. Ang mahalaga, alamin mo kung totoo nga ang tsismis,” specifically ang pagbabalikan umano ni Wally at ng EB Babe na si Yosh ang tinutukoy nito.

So is this Rizza’s kitchy handiwork? Para sa amin, ke si Rizza pa ang pasimuno ng text brigade na ‘yon, it’s not her lookout but Wally’s. While his camp is trying to rebuild his image, heto siya messing up everything again.

First, nag-lie down sila. Nang magkabukuhan, nag-lie low. Sinasabi nina Wally at Yosh na wala na sila? Well, it’s a lie!

 

FOR WHATEVER it’s worth, mananatiling significant ang buwan ng Hunyo para sa mga personalidad na ito.

We’re referring to bosom friends Philip Salvador, Senators Bong Revilla and Jinggoy Estrada at ang yumaong si Rudy Fernandez.

Ano nga ba ang significance ng month of June to the three remaining guys left by Daboy, or at least to Bong and Jinggoy? June 7, 2008 nang pumanaw ang action star.

At sa mga unang araw ng June ng kasalukuyang taon, we see the embattled lawmakers na kinasuhan na ng plunder o pandarambong kaugnay ng kanilang pork barrel scam involvement.

As Daboy watches over his closest friends from wherever he may be, lungkot ang tiyak na nararamdaman nito sa kinapapalooban nilang pagsubok. However, it’s Daboy’s friends who caused all this upon themselves.

 

SA PICTURE! Picture! this Sunday, the program pays tribute to all the fathers in the world in its Father’s Day episode.

Taking a shot sa kalahating milyong pisong papremyo ay responsible dads themselves na sina Bearwin Meily, Bobby Andrews, Bayani Agbayani at Antonio Aquitania with special participation of Judy Ann Santos and their kids Yohan and Lucho.

What’s interesting though, kahit pamilyado na ang mga manlalarong ito, Ryan included, nananatili pa ring maningning ang kanilang mga bituin that they never run out of showbiz projects. Anyway, expect another tension-filled yet exciting edition of Picture! Picture! after 24 Oras Weekend.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING