Mirriam Quiambao, inisnab ng mga beki sa isang event?!

TOTOO KAYA ang nasulat sa isang website na inisnab daw si Miriam Quiambao ng mga beki nang dumalo ito sa isang anniversary event ng isang magazine?

Nobody dared to talk to her daw, as in wala raw sa kanyang pumansin kahit na nag-“Hi!” siya sa ilang gays na naroroon. At wala raw talagang nakipag-chika sa kanya.

With that ay napilitan na lang daw si Miriam na ibang guests na lang ang kausapin, ‘yung mga lalaki at babaeng guests.

True ba ito, Miriam?

Anyway, hindi pa siguro matanggap ng LGBT community ang binitiwang salita ni Miriam a few weeks back about homosexuality. Ayan tuloy, naisnab ang dating beauty queen.

Nakita namin sa photo na ipinost ni Miriam sa kanyang Twitter account na kasama niya sa litrato si Mama Rene Salud. Siguro naman ay kinausap siya ni Mama Rene na kung hindi kami nagkakamali ay isa yata sa kanyang mentors nang sumali siya sa Bb. Pilipinas noon.

Naku, ibig bang sabihin nito ay walang papansing beki kay Miriam kapag dumalo siya sa mga events na may guests na beki?

BLIND ITEM 1: True rin kaya na separated na ang isang network executive sa kanyang asawang nagwo-work din sa station na pinaglilingkuran niya?

It wasn’t clear to us what caused the separation but a mole told us na hiwalay na nga ang magdyowa.

The network exec recently held a party and we were not there so we can’t say for sure kung naroon ang kanyang guwapong dyowa.

Kung totoo ang separation rumors, hindi kaya maapektuhan ang work ni mister sa network? Sayang naman kung magkakaganoon dahil magaling pa naman ang mister nito sa pagpapatakbo ng isang show.

BLIND ITEM 2: Todo-kapit daw ang isang beking staff ng isang network sa isang actor na kontrobersiyal. Nagpapalakas ang hitad dahil alam niyang malakas ang connect ng actor. Siyempre, sikat na sikat pa rin naman siya kaya naman super tanggol ang beki.

Ang isa pa, super kapit din daw ito sa isang comedienne. Pinagkakakitaan daw kasi niya ito by supervising her publicity.

Ang nakakatawa, ask daw ang comedienne kung saan-saan siya lumabas at wala raw maipakita ang beki.

How funny, ‘no?

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleProduction staff ng bagong show, namumroblema Roxanne Guinoo, buntis na naman!
Next articleDahil sa laki ng talent fee na hinihingi Charice, ‘di na isasama sa pinakamalaking OPM concert!

No posts to display