Milyonaryong personalidad, maraming nang-uuto?!

 

NALOLOKAH NA si Gng. Milyonarya. Alam naman niya na nagbago na ang sikat niyang mister, dahil nagbalik-loob na ito sa Panginoon. Ang hindi nito kinakaya ay ‘yung pagiging galante ni mister sa mga ka-fellowship.

Nandiyang a-attend lang ng fellowship si Mister Milyonaryo, humirit lang ang pastor nito na palpak ang kanilang sound system, isyu agad ng tseke si mister ng kalahating milyon lang naman para ‘pag siya ang nagsalita sa harap, maganda ang audio at maiintindihan siya ng mga makikinig.

‘Eto pa, dahil isang pastor ang bumati sa napakagara niyang kotse, aba, isang araw, tuwang-tuwa si pastor, alam n’yo kumbakit?  Binilhan siya ng kotse ni Mister Milyonaryo. Juice ko, ano ba’ng hulog ng langit itong nangyayari, hindi ba naman?

At hindi pa natapos doon, me humirit lang na kailangan ang mas malaking venue para sa mga fellowship-fellowship. Ang Mister Milyonaryo, may-I-donate na naman ng malaking sukat ng lupa at pati construction nito ay sagot din niya.

Hindi ba naman ikalokah ‘yon ni Gng. Milyonarya?

Sey nga ng aming source, hindi raw ba parang nauuto-uto na si Mister ng kung sino-sinong lumalapit dito?

Well, siguro, kung para ke Mister Milyonaryo eh, ‘yun ang kanyang paraan para ibalik sa Panginoon ang mga biyaya, walang problema. Kaso mo, ang dami raw mapagpanggap eh, ‘yun daw ang hindi nasasala masyado ni Mister Milyonaryo.

At ang tendency daw, ‘yung mga totoong loyalista nito ay nakakalimutan na, dahil ang mga pastor ang mga bagong kaibigan ngayon nito.

Well, isipin na lang natin na ginagawa lang ni mister ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya na alam din niyang makapagpapasaya sa Itaas.

“Pero sana naman, ‘wag siyang magpauto nang magpauto, dahil ang tendency ngayon, kinakaibigan na siya ng lahat ng pastor!”

(By Ogie Diaz)