Miles Ocampo at Elijah Canlas, new showbiz couple

HINDI man nila sinabi ng diretsahan sa pamamagitan ng salita, ’tila sa mga larawan na lang ipinaalam ng child stars turned competent actors na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas ang kanilang blooming romance.

Miles Ocampo at Elijah Canlas, new showbiz couple
Elijah Canlas and Miles Ocampo

Sa pamamagitan ng Instagram ay tinawag ni Elijah si Miles na “my favorite person in the world” para sa kanyang birthday. Ipinagdiwang ng dalaga ang kanyang 25th birthday noong May 1.

“Here’s to more adventures and memories,”  caption ni Elijah kalakip ang picture and video na magkasama silang dalawa.

Bilang belated birthday post ay nagbahagi rin ng ilang larawan si Miles sa kanyang social media accounts.

Kalakip dito ang larawan na nakalagay ang matamis na ‘Happy Birthday, my Camille’ na sorpresa ni Elijah para kay Miles (Camille ang real name ng dalaga).

Kalakip din rito ang silhouette photo na obviously ay sina Elijah at Miles na magkayakap sa dilim. Sweet!

“About to be the best year yet,” naman ang komento ng binata sa post ng birthday celebrant.

Marami ang naging curious kung sila ba ay magkasintahan na talaga, o nasa getting to know each other stage pa lang? Kung pagbabasehan natin ang mga larawan, there’s definitely more than friendship going on!

Unang nagkasama sina Elijah at Miles sa mini series na ‘Paano ang Pangako’ ng TV5 noong 2000. Sa ngayon ay parehong busy sa kani-kanilang showbiz commitments ang dalawa.

Congratulations, Elijah and Miles!

Previous articleJulia Barreto at Joshua Garcia balik-tambalan sa pelikula
Next articleTop 5 Paulo Avelino Movies to Watch