Mike Tan, siguradong-sigurado raw na wala siyang video scandal

ADVERTISING

Mike Tan, siguradong-sigurado raw na wala siyang video scandal

Mike Tan, siguradong-sigurado raw na wala siyang video scandalPanigurado ng guwapong si Mike Tan na wala siyang video scandal.

ADVERTISING

Kung ang ilan sa mga artista ng GMA Kapuso Network ay isa-isang naglilitawan ang mga lihim nila at naglalabasan sa social media ang mga sirekto nila (like Jeric Gonzales, Mykel Campos at kung sinu-sino pa), sigurado si Mike Tan na wala siyang sex scandal on video or picture man lang na nakahubo na kita ang kanyang birdie or may ginagawa na hindi dapat dahil hindi naman siya isang porn star.

“Kahit hanapin nila sa Internet, wala ako nun,” panimula niyang tsika sa amin.

“Magugulat ako ‘pag may lumabas na ganun sa akin,” natatawang kuwento niya sa amin during the pess launch ng bago niyang afternoon serye na “The Millionaire’s Wife”, kung saan si Andrea Torres ang kanyang magiging leading lady.

ADVERTISING

“Promise, wala po akong ganun. Kung magpa-flashback ako, wala akong maalala na kinunan ko ng video or picture ang sarili ko na nakahubad,” sabi niya sa amin.

“Sigurado ka?” tanong namin, “Yes, I’m sure,” sabi niya.

On the lighter side, natutuwa si Mike na sa kabila ng katotohanan na ang dami nilang mga artista sa kuwadra ng Kapuso Network, nabibigyan pa rin siya ng pansin at pagpapahalaga ng GMA Network management ng mga projects. Hindi siya pinababayaan ng Artists Center.

“Siguro it’s because I work hard para magampanan ang role ko bilang arista na hindi ako nagbibigay ng sakit sa ulo sa production. I work hard dahil gusto ko talaga magtrabaho,” sabi niya.

Sa serye, he plays the role of Ivan na boyfriend ni Andrea (who will be the millionaire’s wife played by veteran actor Robert Arevalo).

Kuwento nga ni Mike, mabuti na lang daw na ang kapareha niyang si Andrea ay walang kaartehan sa mga love scenes nila sa afternoon serye reason why hindi din siya nag-alangan sa mga intimate scenes nilang dalawa.

“May mga love scenes kami na nakahubad ako at hindi naging mahirap sa akin na gawin ‘yung role ko dahil okey rin lang kay Andrea,” sabi ng binata.

Ang “The Millionaire’s Wife” ay magsisimula nang mapapanood simula March 14 (Monday) sa GMA Afternoon Prime, kung saan makasasama sina Jaclyn Jose, Sid Lucero, at Ina Raymundo.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING