Mike Tan, normal lang daw ang mag-selfie nang nakahubad

Mike Tan, normal lang daw ang mag-selfie nang nakahubadUmamin ang isa sa prime artists ng Kapuso Network na si Mike Tan na minsan na rin siyang nag-selfie nang nakahubad dala na rin ng kabataan.
Pero nung mga panahong ‘yun, wala pang iCloud noon na puwedeng makuha ‘yung mga hubad mong larawan.

Para raw kay Mike Tan, normal lang na kunan mo ang sarili mo nang nakahubad, especially kung nagpapalaki ka ng katawan at gusto mong makita kung may improvement ka na.
Pero ngayon nga raw, mahirap na itong gawin kasi madali nang makuha at mailagay sa social media, kaya nga raw dapat mag-ingat sa pagkuha ng hubad mong larawan.
Okey lang daw na kunan mo ang sarili mo nang half-body lang, pero ‘wag nang halos hubo’t hubad na, baka raw kasi may makakuha at i-post na lang ito basta sa social media.

DetourDetour, matagumpay ang Starmall Edsa-Shaw mall tour

NAGING SUCCESSFUL ang 2nd leg ng mall tour ng Detour na kinabibilangan nina Allan, Marcus, JM, at JC na ginanap sa Star Mall Edsa-Shaw last March 20 kasama ang Generation 6 Dancers.
Naghandog ng limang awitin ang Detour na talaga namang nagpakilig sa mga kababaihan na naroroon at hindi magkamayaw sa katitili sa bawat awitin ng grupo.
Nagpakilig din ang Generation 6 sa kanilang dalawang medley dance number na sinuklian din ng palakpakan at tilian mula sa mga kababaihang naroroon.
Sinuportahan ang mall tour ng Detour ng Ysa Skin and Body Experts, Aficionado Germany Perfume, New Placenta, Olive C, and Aura Soap.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleStaff ng “Eat Bulaga” binasag ang trip ng AlDub fans
Next articleCarl Gueverra, dinaan lang sa pa-charming ang akting sa indie film

No posts to display