Mike Tan, muling pumirma ng kontrata sa GMA 7

ADVERTISING

Mike Tan, muling pumirma ng kontrata sa GMA 7

Mike-Tan“EVERYTIME NA nagre-renew ako ng contract sa GMA, masaya ako. Kasi, iyon ‘yung sign na nagtitiwala pa rin sila sa akin,” pahayag ni Mike Tan sa muling pagpirma niya ng exclusive contract sa GMA 7 kamakailan.

Kahit nga hindi nagkakasunud-sunod ang dating ng proyekto kay Mike, nanatili itong loyal sa Kapuso Network at hindi man lamang nagbalak na mag-alsa balutan at lumipat ng ibang TV networks.

Dagdag pa ni Mike, “Malaki ang tiwala ko sa GMA 7 na hindi nila ako papabayaan. Kaya naman mananatili akong Kapuso hangga’t kailangan nila ang aking serbisyo.”

Sa ngayon, happy naman daw si Mike sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng nasabing TV network, kung saan iba’t ibang roles daw ang kanyang ginagampanan na sumusubok sa kanyang versatility as an actor.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING