Mike Tan, ‘di type ang pre-marital sex

Mike Tan, ‘di type ang pre-marital sex

Mike-TanEWAN KO kung paniniwalaan ko. Kaya nga napatili ako at tumingin kay Mike Tan sabay tanong, “Ano??? Walang sex?”

Ito ang ipinagmamalaki ni Mike sa amin nang ususain namin siya kung gaano ka-normal (having pre-marital sex is just normal) ang lovelife (and sexlife) niya the fact na nasa showbiz siya.

Isang non-showbiz girl daw ang girlfriend ng binata. Matagal na sila ng GF niya na almost six years na (and no sex, huh!) na sa panahon ng mga contraceptives na p’wede naman ang iba’t ibang paraan na gawin o i-practice para iwas sabit o mabuntis, mas gusto ng binata to maintain the relationship nila ng girlfriend na hindi sila nagse-sex, or shall I say “make love”.

Ayaw i-tag ni Mike na Born Again Christian siya. Pero ang basa ko, naging konserbatibo siya mula nang matagpuan niya ang kanyang current na paniniwala, at ito nga ay ang no pre-marital sex.

Revelation sa amin ang personal na buhay ngayon ni Mike sa presscon ng bagong kontrobersiyal na serye ng Kapuso Network, ang The Richman’s Daughter na pinagbibidahan ni Rhian Ramos. Mike plays the role of Paul Tanchinco na kapatid ni Rhian na tulad ng dalaga ay may lihim ding itinatago, na sa trailer ng palabas na magsisimula na sa Lunes, May 11, mukhang magka-come out in the open si Mike as a closet gay.

Dahil sa sarap ng tsikahan, nakalimutan ko tuloy itanong sa binata kung “no sex before marriage” ang motto niya ay oks lang ang same sex (man to man or woman to woman) para sa kanya.

Sayang! I’m sure inaabangan din ng mga bekis sigurado ang isasagot niya.

Reyted K
By RK VillaCorta