Mike Magat, prodyuser at direktor na rin ng indie films

ADVERTISING

Mike Magat, prodyuser at direktor na rin ng indie films

Mike-MagatHINDI LANG pala actor si Mike Magat, producer/director na rin siya ng indie films at the same time. Katunayan nga, nakatapos na siya ng dalawang pelikula – ang Isang Hakbang with Snooky Serna and Ricardo Cepeda at ang Mga Batang Lansangan with Miguel Antonio, Buboy Villar, at Idol Lito dela Cruz. Balak niya i-release ang mga ito sa Viva kung magkakaayos sila ni Boss Vic del Rosario.

ADVERTISING

Nasa cast din siya ng epic film na Felix Manalo ni Dennis Trillo na dinirek ng award-winning director na si Joel Lamangan under Viva Films. “As an artist, gusto kong mag-grow as a filmmaker. Alam kong marami pa akong dapat matutunan as a director and I am willing to learn,” aniya.

Naniniwala si Mike na makabuluhan ang kanyang first directorial job. Maganda raw ang takbo ng istorya at mahuhusay ang mga nagsiganap. “Happy ako sa performance ng mga artista ko sa pelikula. Nakuha nila ang character na dapat nilang i-portray. I’m sure magugustuhan ng manonood here and abroad ang first indie film ko na ako ang producer,” pagmamalaking sambit ni Mike.

Kung sakali raw na maibigan ng manonood at kumita ang pelikula ni Mike, tuluy-tuloy na raw ang pagpo-produce niya ng indie film. May balak siyang lumahok sa Cinemalaya Film Festival at sa iba pang festival sa Metro Manila. “Wala namang masama kung susubukin ko. Lahat tayo’y may karapatang sumali sa festival, lalo pa’t alam mong maganda ang pelikula mo at maipagmamalaki mo ito,” say pa ng actor/director Mike Magat.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING