Mikay at Kikay, Viva artists na

ADVERTISING

Mikay at Kikay, Viva artists na

Mikay at Kikay, Viva artists naSa pagtitiyaga ng magpinsan, pasok sa banga sina Mikay at Kikay sa Viva Artists Agency.

Yes, pumirma na ng 5-year exclusive contract ang magpinsan na isa sa mga pinakabagong artists ng Viva Artists Agency nina Vic del Rosario at anak na si Veronique del Rosario-Corpuz.

Sa thanksgiving lunch para sa media sa imbitasyon ng kaibigang Mercy “D’ Great Lejade” na tumatayong co-manager nina Mikay at Kikay for VAA, naikuwento ng ina ni Mikay na si Dianne na may meeting sila today (Thursday) with Vic del Rosario para sa isang existing project ng Viva Entertainment at TV5, “Ang Panday” na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Plano ni Boss Vic yata na isalang ang dalawa sa pantaserye, kung saan magiging buddy-buddy sila ni Alonzo Muhlach.

ADVERTISING

Happy ang dalawang bagets (huwag n’yo silang pagkamalang kambal dahil they’re not, kahit identical ang mga outfit nila mula shoes, dress, and accessories), dahil simula nang mag-guest sila sa show ni Kuya Germs na “Walang Tulugan With The Master Showman” noon, halos sunud-sunod na ang exposure nila sa telebisyon.

Sa show ni Kuya Germs, they had their first talent fee na P500 each na binili nila ng donut.

Naging guest na rin sina Mikay at Kikay sa Goin’ Bulitit na happy siyempre si Tiyang Mercy mo, dahil naaayon sa mga alaga niya ang mga plano niya sa mga career ng dalawa.

Say ni Mikay, “Excited po kami ni Kikay sa magiging plan ni Boss Vic sa amin, lalo na po ‘yong sa ‘Ang Panday’,” pagmamalaki ng anak ni Dianne sa amin.

Si Mikay, crush niya si James Reid, while si Kikay naman type niya si Daniel Padilla.

For bookings para kina Mikay at Kikay (sing and dance ang dalawang bagets), puwede sila for fiestas, shows, and concert, pwede kayong makipag-ugnayan kay Mercy Lejarde sa 09166103012. Goodluck, girls!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING