Mikael Daez, kampante sa relasyon kay Megan Young

ADVERTISING

Mikael Daez, kampante sa relasyon kay Megan Young

Megan-Young-Mikael-DaezILANG BUWAN na lang at matatapos na ang reign ni Megan Young bilang Miss World. Biro tuloy namin sa rumored boyfriend nitong si Mikael Daez, ito rin marahil ang hinihintay niya para madalas ulit silang magkasama.

“Wala namang nag-iba kahit naging busy siya,” sabi ng model-actor-TV host. “Reigning or not reigning, wala namang nag-iba, e. Pareho lang.”

So, ang hihintayin na lang ng publiko ay ang kanilang pormal na pag-amin hinggil sa matagal na hinihinalang realsyon nila?

“Malay mo!” tawa ulit ni Mikael. “Maintain-maintain lang tayo. Maintain-maintain lang. Happy naman kaming dalawa, e.”

ADVERTISING

Kung saan-saang panig ng mundo ngayon umiikot si Megan. Hindi ba siya nakakaramdam ng fear o insecurity na maraming guys of different nationalities and profession ang nakakadaupang palad nito ngayon?

“Hindi. Ako rin naman, kung saan-saan ako nakararating, e!” tawa na naman niya. “Hindi talaga ako gano’n, e. Hindi ako seloso. Hindi ako marunong ma-insecure. Hindi talaga. And… kita n’yo naman na napakasaya ko sa ginagawa ko.”

Maganda nga marahil na may naititirang privacy ang sinumang showbiz coulles, ‘di ba?

“I guess so!” nangiting pagsang-ayon ni Mikael.

Apat ang regular shows niya ngayon. Bukod Bubble Gang, Ismol Family, at daily segment niya for Saksi na Midnight Express, balik-tambalan din sila ni Andrea Torres sa fantasy series na Ang Lihim Ni Anasandra.

Napapagkasya pa niya ang kanyang oras? Hindi pa kinukulang sa dami ng kanyang trabaho ngayon?

“Hindi ko nga alam. Lord, ikaw na ang bahala sa akin!” tawa pa ng model-actor-turned TV host. “Mahirap. Medyo mahirap. Pero kaya naman. Kakayanin!”

Go Mikael!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING