Mikael Daez & Jennylyn Mercado: Seal Me With a Kiss

ADVERTISING

Jennylyn-Mercado-Mikael-DaezMIKAEL DAEZ
Real Name: Mikael Daez
Birthdate: March 7, 1988
Zodiac Sign: Pisces
Symbol: The Fish
Ruling Planet: Neptune
Quality: Mutable
Element: Water
Basic Trait: I Believe
Closest Metal: Germanium and Strontium
Lucky Day: Thursday

JENNYLYN MERCADO
Real Name: Jennylyn Mercado
Birthdate: May 15, 1987
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

ADVERTISING

ANG MY Faithful Husband na siguro ang pinaka-intense na teledrama ngayon sa primetime. Halos gabi-gabi ay beast mode ang mga characters dito lalo na si Mercedes (Snooky Serna). Paano ba naman, nalaman na may relasyon pala sina Melanie (Jennylyn Mercado) at Dean (Mikael Daez). Ang catch? Kasal na with two beautiful kids ang babae! Wawa naman si ideal man Emman, who is portrayed by Dennis Trillo.

Marami ang nagtaas ng kilay nang malamang si Mikael Daez ang gaganap na ‘third party’ sa serye. People were hoping na isang taga-Dos na magaling um-Ingles ang gaganap bilang Dean, pero napunta ito sa isang homegrown Kapuso actor. Much to the surprise of many, mas lumulutang ang chemistry nina Mikael at Jennylyn lalo na sa mga eksenang hindi dapat gawin, pero hindi mapigilan ng damdamin!

In real-life ay magdyowa na ng ilang taon diumano sina Mikael Daez at Megan Young. Nag-rekindle na rin ng kanilang pag-iibigan sina Dennis at Jennylyn after years of avoiding each other.

ADVERTISING

With that scenario, will Mikael-Jennylyn be possible in real-life?

Ang Taurus at Pisces ay parehong malawak ang pag-uunawa, laid-back ang personality at may disposisyon sa buhay. Gusto nila na swabe lang ang daloy ng mga relasyon nila mapa-pamilya man, kaibigan o kasintahan. Ang Toro ay maiinlab sa pagiging malambing, mabait, at pakikiramay sa iba’t ibang tunguhin ng Isda. Sa kabilang banda, ang Isda naman ay mabibilib sa katapangan, lakas, at kahusayan ng Toro.

Dumako naman tayo sa kanilang pagkakaiba: Mas tipo ng Taurus ang simpleng pamumuhay, samantalang magara naman ang peg ng Pisces. Masyadong maraming gustong gawin ang Pisces na umaabot sa puntong nawawala ito sa pokus, samantalang naniniwala naman sa ‘one step at a time’ na kasabihan ang Taurus. Kahit pa ganito ang kanilang pagkakasalungat, masasabi naman na compatible pa rin ang dalawa dahil ang pagiging praktikal ng Taurus ang puwedeng dumisiplina sa paiba-ibang timpla ng Pisces.

Sa totoo lang, bongga ang tambalang ito! Isa ito sa magkapares na malaki ang potensiyal na mauwi sa kasalan (at hindi lang sa drama, huh?!). Mutual ang kanilang passion at susuportahan nila ang isa’t isa no matter what. Pareho rin silang romantic kaya walang magiging problema kung labing-labing time ang pag-uusapan. Ipararamdam ni lalaki na siya ang tunay na ‘knight in shining armor’ at parang prinsesa lang sa isang happily ever after ending na fairy tale ang peg ni ateng.

On the right track pala pagdating sa love itong sina Mikael at Jen! Bongga na nga sa karir, bongga rin sa love life! Wait na lang tayo sa susunod na kabanata. <3

Pares-Pares

By Madam DaminMikael Daez & Jennylyn Mercado: Seal Me With a Kiss

ADVERTISING