Mikael Daez, ‘di magpapahuli kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa aktingan

Mikael-DaezHINDI NAGING problema kay Mikael Daez kung support lang siya kina Jennylyn Mercado at Dennis sa drama series ng My Faithful Husband ng GMA 7. Hindi raw niya pakakawalan ang opportunity na makatrabaho ang dalawang primetime stars ng Kapuso Network. Alam ng hunk actor na marami siyang matututunan kina Jennylyn at Dennis as an actor.

Masuwerte si Mikael dahil may kissing scene at love scene siya with Jennylyn. Nahihiya nga raw ang binata nu’ng kinukunan na ni Direk Joyce Bernal ang mainit nilang eksena. Very supportive naman daw ang actress sa kanya, hinayaan siyang ma-relax bago mag-take.

“Nag-uusap muna kami nina Direk Joyce at Jen, kung papaanong gagawin ‘yung love scene naming dalawa. At first, medyo awkward ako dahil first time ko siyang makakatrabaho, may kissing scene at love scene pa. Ang maganda kay Jen, inaalalayan niya ako sa scene namin para lumabas na makatotohanan ‘yung eksena.”

Attractive ba naman si Mikael kay Jennylyn? “Jen is such a good actress, maganda at sexy. Hindi ko iniisip ang bagay na ‘yan dahil naka-focus ako sa career ko. Ang binibigyan ko ng atensiyon ‘yung character na pino-portray ko rito sa soap. Kahit sinumang lalaki, hahanga sa ganda at galing ni Jennylyn. Ayaw kong mapag-iwanan sa galing nila ni Dennis as an actor. Gusto kong magawa ko nang tama ‘yung role ko.”

Sinabi ni Mikael as of now, wala siyang girlfriend. Priority raw niya sa ngayon ang career niya. Pangarap din niyang maging isang magaling na actor in the near future. “Challenging ang role ko rito as Dean, dahil ako ang magiging dahilan kung bakit nagtaksil si Melanie (Jennylyn) sa kanyang asawa (Dennis). Ako ang greatest love ni Mel. Hindi ko alam na nagdadalan-tao siya nang umalis ako. Pero pilit ko siyang babalikan dahil nararamdaman kong mahal ko pa rin si Mel. May mangyayari sa amin at ito ang magiging simula ng pagbawi ko kay Mel at sa anak namin.”

Tinanong namin si Jennylyn kung sino kina Dennis at Mikael ang masarap humalik? “Pareho lang silang malambot ang labi. Hahaha!” Ang natatawang sabi ng actress. Nang malaman ito ng Mikael, ang tanging nasabi niya, “Ah, ganu’n ba?” Hindi na siya nag-comment tungkol sa kissing scene nila ni Jennylyn.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleWendell Ramos, palaban sa sinalihang serye sa Dos
Next articleVice Ganda, naghihinay na sa brand ng comdey sa TV

No posts to display