Miho Nishida, natakot daw nang malamang nominado sa Star Awards for TV

ADVERTISING

Miho Nishida, natakot daw nang malamang nominado sa Star Awards for TV

Miho Nishida
Miho Nishida

Hindi raw naiwasang kabahan ng PBB 737 Grand Winner na si Miho Nishida nang sabihin sa kanya ng kanyang manager na si Jovan Dela Cruz ng F&S Tailors na nominado siya sa Philippine Movie Press Club Star Awards For Television 2016 para sa kategoryang Best New Female TV Personality.
Paliwanag nga ni Miho, kinabahan daw siya dahil during the time daw kasi na nasa loob siya ng bahay ni Kuya, iba ang kahulugan ng nominado. Kapag nominado ka raw kasi sa loob ng bahay ni Kuya, malaki ang chance mo na matanggal. Kaya naman daw takot sila na maging nominado.
Pero nang i-explain daw ng manager nito na iba ang kahulugan ng pagiging nominado niya na isang pagbibigay-parangal sa mga baguhang artistang babae na naging mahusay sa kanilang unang naging show sa telebisyon, napalitan ang kanyang kaba ng sobra-sobrang kasiyahan.
Kaya naman labis-labis ang pasasalamat nito sa pamunuan ng PMPC sa nominasyong nakuha nito sa darating na Star Awards for TV.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING