Migz Haleco, “musical crush” daw si Kitchie Nadal

Migz-HalecoMORE OR less, 22 songs ang kailangang aralin ni Migz Haleco, (PPL Entertainment artist) para sa kanyang kauna-unahang solo at birthday concert na rin na gaganapin ngayong Tuesday (Sept. 15) titled 21 @ 12, na gaganapin sa 12 Monkey Music Hall & Pub at 10 p.m. Pero ang maganda raw, bigatin din ang guests niya sa show like Gabby Eigenmann, Maya, Barbie Almabis, at ang idol niya sa female singer na si Kitchie Nadal.

“Si Kitchie, ni-request ko siya kay Kuya Perry (Lansigan). Pero nu’ng una, hindi ko akalain na… hindi ko ini-expect na magiging guest ko siya talaga. Parang tinanong lang ako, sinong magiging dream guest ko if ever magkakaroon ako ng concert. Tapos ’yon, nagulat na lang ako na nando’n na ’yung name niya sa poster,” sey pa ng singer.

Bakit ba gusto niyang makasama si Kitchie at makipag-collaborate dito?

“Kasi, since nu’ng high school po ako, siya na po ’yung pinapakinggan ko na female artist dito sa Philippines and ‘yung songs niya, sobrang nagagandahan ako. And until now, parang among all artists, siya talaga ‘yung all-time favorite ko.

“Ano kasi siya, eh, kakaiba ‘yung boses niya, and parang distinct siya. And ‘yung songs niya, parang pinag-isipan. Mas iba siya talaga, distinct siya,” katwiran pa ni Migz.

“Musical crush” naman kung i-describe ni Migz ang nararamdaman niya kay Kitchie. Well, meron na palang ganitong term ngayon.

“Kasi, ‘di ba, parang fan na fan ka sa music niya, kaya ganu’n ‘yung tawag ko,” natatawa niyang sabi.

Hindi pa alam ni Migz kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakaharap si Kitchie at nakasama na ito sa stage.

“Dati kasi, nakita ko na rin siya, pero sa malayo, kasi nanood ako ng concert niya. Ewan ko lang kung ano ‘yung magiging feeling ko kapag nakasama ko siyang mag-perform sa stage. But defintely, sobrang nagpapasalamat ako na pumayag siyang maging guest sa birthday concert ko,” sey pa ni Migz.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleJaivy Phipps, natupad ang pangarap na mag-artista
Next articleBulacan Vice Gov. Daniel Fernando, hindi pa rin maiwasan ang kaway ng showbiz

No posts to display