Miguel Tanfelix, bini-build-up ng network na future Dingdong Dantes

Miguel Tanfelix, bini-build-up ng network na future Dingdong Dantes

Miguel-TanfelixANG TEEN actor na si Miguel Tanfelix ang ibini-build-up ng GMA 7 na future Dingdong Dantes. Challenge nga raw kay Miguel at flattered siya sa ibinibigay na suporta sa kanya ng network.

Hindi naman itinatwa ng teen actor na sobrang kaba ang nadarama niya dahil malaki raw ang expectation sa kanya ng marami at ng executives ng GMA 7.

“Malaking pressure po talaga. Kaya parati ang dasal namin ni Bianca (ka-loveteam niya) na maabot naman ang expectation nila sa amin,” say ni Miguel.

Sa pag-build-up daw sa kanya bilang next Dingdong, mas lalo raw siyang kinabahan dahil isang malaking artista si Dong at kailangang maabot niya ang narating nito.

“Nakaiilang nga po na sinasabi nila sa akin ‘yun. Kasi nakahihiya kay Kuya Dong. Wala pa naman akong napatutunayan pa kasi. Saka wala pong puwedeng pumalit kay Kuya Dong.

“I will try my best po na maabot kahit ang kalahating success ng isang Dingdong Dantes,” pagtatapos ng alaga ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo