Miguel Tanfelix at Bianca Umali, naudlot ang balik-tambalan sa serye

ADVERTISING

Miguel Tanfelix at Bianca Umali, naudlot ang balik-tambalan sa serye

Miguel-Tanfelix- Bianca-UmaliMUKHANG PANSAMANTALA munang hindi ieere ng GMA ang teaser ng balik-tambalan ng isa sa mga maiinit na young loveteam sa bansa: that of Miguel Tanfelix and Bianca Umali.

ADVERTISING

The two are reunited via Wish I May, isa sa mga cut ng album ni Alden Richards, na dating may pamagat na Maybe This Time.

Supposedly, nakatakda na sanang muling pakiligin nina Bianca at Miguel ang kanilang mga tagahanga sa pagtatapos ng October, pero na-extend ang dapat sana’y mamamaalam nang Half-Sisters nina Barbie Forteza at Thea Tolentino sa afternoon prime block ng GMA.

Ang ending: year-opener ang Wish I May para sa 2016.

ADVERTISING

 

THERE’S SCAM in Ismol Family this Sunday!

Kaliwa’t kanan ang mga nadenggoy ni Bobong sa scam, kaya naman run for his dear life ang drama niya. In-assure naman ni Mama A sa mga naghahabol na aayusin ni Bobong ang mga atraso nito. Kinumpiska ni Mama A ang cellphone ni Bobong para makaiwas daw sa mga nagbabanta sa buhay nito.

Inintrega naman ni Jingo kay Majay ang pang-tuition ni PJ na P15K. Napagkasunduan nila na hindi gagalawin ang pera for their son’s future. Pero isang kaibigan ni Majay, si Asereth, ang gustong umutang sa kanya.

Ayaw ni Jingo na ipautang ang pera. Ang problema, naawa si Majay sa kaibigan at ipinautang niya ang dapat sana’y pangmatrikula ni PJ. Kaso, mukhang loan and vanish ang drama ni Asereth!

Samantala back to normal na sina Ethan at Yumi.

Gusto namang ibili ni Bernie ng English bulldog si Pearl, but the price is so dear. May something ba between them?

Nakita rin naman ni Bobong ang kaibigan niyang si Lyndon. May raket sana siyang ibibigay kay Bobong na maaaring pagkakitaan ng 200K, pero bakit hindi ito natuloy?

All this and more ngayong Linggo sa Ismol Family GMA.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING