Migo Adecer engaged na sa non-showbiz partner

NAAALALA niyo pa baa ng Starstruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer na kasabayan noon ni Klea Pineda? He is now engaged!

Ito ang masayang ibinalita ng 22 year-old heartthrob sa kanyang Instagram page noong December 19. Ang kanyang soon-to-be bride ay ang longtime-girlfriend niya na si Katrina Mercado.

Migo Adecer engaged na sa non-showbiz partner
Migo Adecer is now engaged to Katrina Mercado

Noong Abril ay tuluyan nang nagpaalam sa showbiz ang binata at bumalik na sa Australia. Ngayon nga ay engaged to be married na ito.

“And just like that, the next chapter of my life starts. You know what they say, if you like it, then you should put a ring on it. @katrinamercado to more adventures and endeavours my dearest,” post ni Migo.

Sa hiwalay na post ay tinawag ni Katrina na ‘forever my goofy guy’ ang kanyang fiancé.

Ilan sa mga showbiz friends ni Migo ang nagbigay ng kanilang congratulations tulad nina David Licauco, Iya Villania-Arellano, Gil Cuerva, Shaira Diaz, Mavy Legaspi at marami pang iba.

Kahit na maituturing na maiksi ang kanyang naging showbiz stint ay nakagawa rin ng marami-raming proyekto sa Kapuso Network si Migo tulad ng The One That Got Away, Sahaya, My Fantastic Pag-Ibig at ang huling proyekto niya na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday kung saan nakapareha niya sina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Sa totoo lang, marami ang nanghinayang na nagpasya itong lisanin ang showbiz dahil bini-build up ito ng kanyang home network. Siguro ay mas matimbang para sa binata ang pag-aasawa at mamumuhay ng normal na buhay.

Congratulations Migo and Kate!

Previous articleZoren Legaspi at Carmina Villaroel pagdadaanan ang annulment sa Stories From The Heart: The End of Us
Next articleRicci Rivero hindi nahirapang mag-adjust sa showbiz mula sa pagiging basketball heartthrob