Migo Adecer at Katrina Mercado ikinasal na sa Hongkong

IKINASAL NA ang ex-Kapuso actor na si Migo Adecer sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Katrina Mercado matapos lamang ng ilang linggo nilang pagbahagi sa publiko ng kanilang engagement.

Ito ang bumungad na pasabog ng Starstruck 6 Ultimate Male Survivor ngayong bagong taon. Sa mismong Instagram ni Migo ay makikita na nagcecelebrate ng kanilang pag-iisang dibdib ang newly-married couple sa isang yate na pinaligiran din ng family members.

Migo Adecer at Katrina Mercado ikinasal na sa Hongkong
Migo Adecer with wife Katrina

Sa Instagram naman ng bride ay ikinumpirma nito na ang mga larawan ay kuha sa isang yate sa Hongkong, na kanilang reception venue.

Sa mga Kapuso na hindi updated, pansamantalang nilisan ni Migo Adecer ang Pilipinas noong Abril 2020 at bumalik sa Australia dahil na rin sa pandemya. Nanalo ang binata sa Starstruck Season 6 bilang Ultimate Survivor kasama si Klea Pineda na hinirang naman na Ultimate Female Survivor.

Ilan sa mga programang nilabasan nito sa kanyang short-lived showbiz career ay ang The One That Got Away, My Love From the Star, Ika-5 Utos, Project Destination, Sahaya, My Fantastic Pag-Ibig at Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Hindi naman klaro kung tuluyan na ba niyang iniwan ang showbiz o pansamantala lang habang tumataas ang Covid cases sa buong mundo.

Congratulations to Mr. and Mrs. Adecer!