Miggy Campbell, sunud-sunod ang dating ng projects

ADVERTISING

Miggy Campbell, sunud-sunod ang dating ng projects

Miggy-CampbellPAGKATAPOS LUMABAS ni Miggy Campbell sa controversial na music video ng kantang ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’, entry sa Himig Handog P-Pop Love Songs  na ngayon ay ginagawa na ring pelikula ni Direk Joven Tan, nagkasunud-sunod na ang projects ng binata.

ADVERTISING

Kasama siya sa movie version ng Pare, Mahal Mo Raw Ako na pinagbibidahan nina Edgar Allan Guzman and Michael Pangilinan. Yes, pinasok na rin ni Michael ang pag-aartista.

Nakailang shooting days na si Miggy at maganda ang feedback sa kanya ng co-stars. Bilib nga si EA kay Miggy and even told Dominic Rea, manager ni Miggy, na alagaan niya ang actor dahil may potential ito at mahusay umarte.

Maging si Karla Estrada na kaibigan ng manager ni Miggy ay humanga sa lakas ng loob ng binata. “Hindi ko alam na ganyan pala karami ang bagahe mo sa buhay, pero iwanan mo munang lahat ’yan para makausad ka sa iyong career,” sey nito kay Miggy nang makausap niya sa Tacloban.

ADVERTISING

Miggy is also part of the new series of ABS-CBN titled Your Home na pinagbibidahan nina Dawn Zulueta, Richard Gomez, Mika dela Cruz, Paul Salas, at marami pang iba.

Ayon kay Miggy, kahit sumikat na siya at dumami ang raket ay hindi raw niya iiwan ang kanyang manager dahil pamilya na niya ito. Wow, sana nga!

Idinagdag pa ni Miggy na masaya siyang unti-unting nakikilala at nabibigyan ng trabaho. Wala rin daw muna siyang balak mag-girlfriend ngayon.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING