Mickey Ferriols, may payo sa kapatid na si Jackie Forster sa problema sa mga anak

Mickey Ferriols, may payo sa kapatid na si Jackie Forster sa problema sa mga anak

Jackie-Forster-Mickey-FerriolsDALAWANG BAGONG programa pala ng GMA 7 ang magsisimula ngayong araw.

Sa afternoon drama ay ang Healing Hearts na pagbibidahan nina Kristoffer Martin, Joyce Ching, at Krystal Reyes.

Kasali rin sina Mickey Ferriols at Angelika dela Cruz na mabigat din ang role.

Doon sa presscon ng Healing Hearts ay natanong uli si Mickey tungkol sa kapatid niyang si Jackie Forster.

Bilib daw siya sa kapatid niya sa ama dahil napakatibay raw nito. Nu’ng huling nakausap daw niya si Jackie, excited na raw siya sa panganganak niya.

Pero siyempre ang isa sa ini-emote ni Jackie, ‘yung tungkol kina Andre at Kobe na miss na miss na raw niya.

Sabi raw ni Mickey sa kanya, dapat daw umiiral ang healing hearts at darating din daw ang panahong maging okay ang lahat.

‘Yun din nga ang sinasabi ko, eh. Bigyan lang ng time ang mga bata, ma-realize din nila lahat at darating din ang panahong tanggapin siya.

Pero ang sabi raw ni Jackie, kung maghihintay lang daw siya, baka mabura na raw siya sa isip ng mga bata, na kinokontra nga raw ni Mickey dahil naniniwala siyang hindi mawawala ‘yun.

Anyway, gusto na lang daw ni Mickey na makatrabaho si Andre dahil magkasama naman sila sa isang network. Pero mahirap din ‘yun dahil mauungkat lang ang isyu. Hindi naman kumportable si Andre riyan. Hayaan na lang siguro na ganu’n na lang!

Kinagabihan pala ay magsisimula na rin ang Let The Love Begin ng bagong loveteam na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia na tinatawag nilang GabRu.

Pero ang isa sa inaabangan dito ay si Ai-Ai delas Alas, na siyempre inaabangan ng lahat dahil sa dami ng bashers niya, dapat mag-rate ‘yan, ‘di ba?

Ayaw namang paapekto pa ni Ai-Ai sa mga bashers. Sabi naman niya, kilala naman daw niya kung sino ang may pakana ng mga nagba-bash sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis