Michelle Madrigal isa nang ganap na US citizen

ISANG magandang balita ang ibinahagi ng dating aktres na si Michelle Madrigal sa kanyang latest vlog: Isa na siyang US citizen!

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram ay ibinahagi niya na siya na nanumpa na siya para sa kanyang citizenship at tila over the moon ito sa saya.

Michelle Madrigal isa nang ganap na US citizen
Michelle Madrigal

Ayon kay Michelle, hindi niya ma-contain ang kanyang emosyon. Masaya siya na sa wakas ay isa na siyang US citizen, pero kasalukuyan ay ongoing pa ang divorce nila ng kanyang ex-husband.

“On the other side of the spectrum, ito naman na parang I also ended my marriage, the divorce, alam mo ‘yun I’ve moved on with an actual relationship,” sambit ni Michelle.

“New beginning but then at the same time hindi pa rin tapos ‘yung isang bagay,” dagdag pa niya.

Gusto lang din daw ni Michelle na makasama ang kanyang pamilya, na ngayon ay US-based na rin.

“Gusto ko lang namang may kasama ditong family to celebrate but we did it. I am a US citizen. Pag may malalaking bagay na nangyayari, all you want to be surrounded with is your family and all I wanted is to hug Anika.” ani Michelle.

Agosto noong nakaraang taon nang kumpirmahin nina Michelle at ng kanyang ex-husband na si Troy Woolfolk na sila’y hiwalay na at ongoing ang kanilang divorce. Kahit na sila ay hiwalay na bilang mag-asawa ay nananatiling maayos pa rin ang kanilang relasyon bilang magkaibigan at bilang mga magulang ni Anika.

Congratulations, Michelle!

Previous articleVLOG WATCH: Bea Alonzo and Dominic Roque share their love story (finally!)
Next articleKPOP Album Review: There and Back Again by Eric Nam