Michelle Madrigal, aminadong nakararamdam ng kalungkutan sa pagiging single mom

NASA ‘moving on’ stage na ang dating aktres na si Michelle Madrigal matapos ma-finalize ang divorce nila ng kanyang dating asawa.

Kahit na hindi na aktibo sa showbiz si Michelle ay updated pa rin ang mga fans niya sa pamamagitan ng kanyang vlog channel. Aminado ito na paminsan-minsan ay nakakaramdam ito ng loneliness lalo pa’t isa na siyang single mom.

Michelle Madrigal, aminadong nakararamdam ng kalungkutan sa pagiging single mom
Michelle Madrigal

“Singlehood, single motherhood, it can get pretty lonely,” aniya.

“Kasi sometimes, if you want to hang out, ikaw lang ‘yung odd doon. Ikaw ‘yung odd number; Lahat may family. ‘Pag in-invite ka minsan, ‘Oh, I’ve already made plans with the girls, with all the other moms or whatever.’ They are all just talking about their kids, their husband. And you were like, ‘Okay.'” paliwanag niya.

Ayon pa sa kanya, lagi siyang nagiging ‘third wheel’ tuwing lumalabas siya with friends nowadays.

“I don’t want to be that girl na kapag inimbita na, ‘Oh, she’ll come alone.’ Ano ako, parang lagi lang akong third wheel, ganoon? Or fourth wheel or fifth wheel? Parang nakakahiya ‘di ba?”

Sa ngayon ay naghahanap si Michelle ng mga kapwa single moms na puwede niyang makasama at maka-hangout para kahit papano ay gets nila ang circumstances ng isa’t isa.

“So, lately I’ve been looking for new single mom friends.” sambit pa niya.

Sa ngayon ay nakalipat na si Michelle sa ibang tirahan kasama ang kanyang anak na si Anika. We’re wishing you all the best, Michelle! Nakakamiss ka na rin mapanood sa telebisyon!

Previous articleVLOG WATCH: Barbie Forteza and Jak Roberto’s Bohol Photoshoot + Anniversary Trip
Next articleMOVING ON: Jake Cuenca, lumipat na sa bagong tirahan