Michelle Madrigal, 2 beses nag-topless sa pelikula

ADVERTISING

Michelle Madrigal, 2 beses nag-topless sa pelikula

Michelle Madrigal, 2 beses nag-topless sa pelikulaHINANAP NI Direk Edgardo Boy Vinarao si Michelle Madrigal para gawing bida sa pelikulang Bacao na kasali sa Sineng Pambansa Horror Plus festival produced by Film Development Council of the Philippines (FDCP) na ipalalabas from Oct. 29 to Nov. 4 sa SM Cinemas nationwide.

ADVERTISING

Ayon sa dalaga, malaking bagay na ipininahap siya ng direktor kahit hindi siya nito kilala.

“Aba, hindi lahat ay nabibigyan ng ganu’ng chance, ‘di ba? Tapos nu’ng nagkausap kami, lahat ng sinabi ko, na ‘Direk, hindi ko gagawin ito… na dapat walang frontal… Nagkasundo naman kami. Maganda ‘yung experience ko sa kanya. At siguro, ito na talaga ‘yung perfect project na hinihintay ko,” kuwento ni Michelle.

Sampung taon ang hinintay ni Michelle bago mabigyan ng launching movie kaya raw ginawa rin niya ang lahat sa Bacao.

ADVERTISING

Dalawang beses siyang nag-topless sa pelikula sa mga eksenang nagmi-make love sila ng kaparehang si Arnold Reyes.

“Side view lang naman ‘yon. Pero ang iniisip ko, kung ano ang magiging reaksyon ng daddy ko kapag napanood ang pelikula. Tatakpan ko na lang siguro ang mata niya. Hahaha!” sambit pa niya.

After Bacao, gusto ulit gumawa ng indie film ni Michelle lalo pa ngayong wala na siyang kontrata sa GMA 7.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING