Michele Gumabao goodbye na sa beauty pageants

ADVERTISING
Leo Bukas

WALA nang balak sumali pa sa kahit anong beauty pageants si Michele Gumabao na nanalong 2nd runner-up sa Miss Universe Philippines (MUP) 2020.

“Unfortunately po, because of my age, there will be no more beauty pageants for me,” rason ng  28-year-old volleyball player-turned-beauty queen.

ADVERTISING

Sa edad daw niya kasi ay parang over age na siya para sa anumang international pageant organizations na dapat ay 18 to 27 years old ang qualified.

Michele Gumabao goodbye na sa beauty pageants
Michele Gumabao

Ayon pa sa dalaga na kapatid ni Marco Gumabao ay excited siya sa bagong career na sisimulan.

“This is the beginning of an even brighter journey because I have different businesses that I would like to bring into the Philippines and now I have the time to be able to do so. I have also another career that I am eyeing for.

ADVERTISING

“Of course, now is not the perfect time to share about that but in God’s time, I’ll reveal everything,” pahayag pa niya.

Bago sumali sa MUP ay naging Binibining Pilipinas Globe si Michelle noong 2018 at ini-represent ang Pilipinas sa Albania where she bagged the Miss Social Media and Dream Girl awards at napasama sa Top 15 finalists.

ADVERTISING