Michael Pangilinan, unang lalaking ipakikilala ni Garie Concepcion sa amang si Gabby Concepcion

ADVERTISING

Michael Pangilinan, unang lalaking ipakikilala ni Garie Concepcion sa amang si Gabby Concepcion

Michael Pangilinan & Garie Concepcion
Michael Pangilinan & Garie Concepcion

Happy si Garie Concepcion sa pagkapanalo ng kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion na si Cloie Syquia-Skarne na nanalo as Miss Earth-Sweden.

Sayang nga lang at hindi nagwagi si Cloie as Miss Universe-Sweden na siyang puntirya ng dalaga.

“Pero I’m proud of her. Hindi man siya ang naging representative ng Sweden in the Miss Universe, I’m happy for her for winning and competing in the Miss Earth competition,” pagmamalaki ni Garie sa kapatid.

Sa katunayan, nang malaman ni Garie na nanalo ang kapatid, very proud si Ate Garie niya sa naging success ng nakababatang kapatid.

ADVERTISING

Sa ngayon, pagbabalita ni Garie, naghahanda na si Cloie para sa Miss Earth 2016 competition. Makalalaban ng kapatid niya ang Philippine representive sa Miss Earth 2016 na si Imelda Schweighart sa darating na grand pageant sa October.

“I know my dad is proud of her,” pagbibida pa ni Garie sa amin.

Sa ngayon, sa usaping lovelife ay happy ang dalaga sa relasyon niya sa anak-anakan naming si Michael Pangilinan.

“So far, so good,” pagmamalaki ni Garie sa relasyon nila ni Khiel.

For now, hinihintay lang ng dalawa na magkaroon ng chance na makilala ng amang si Gabby si Michael.

“I’m proud of him. He is the first guy na ipakikilala ko sa dad ko,” sabi ng dalaga sa amin.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING