Michael Pangilinan, todo-kayod para sa kanyang baby

ADVERTISING

Michael Pangilinan, todo-kayod para sa kanyang baby

Michael Pangilinan, todo-kayod para sa kanyang babyNice to learn na todo-trabaho si Michael Pangilinan ngayon sa pagsisimula ng taong 2016. Siyempre, may responsibilidad na siya sa kanyang one-month old baby kung kaya’t super work ito.

ADVERTISING

Sayang nga lang, noong nanganak ang dating girlfriend niya, wala sa tabi si Michael at may gig. Pero ang responsonsibilidad niya as a father ay hindi niya pinababayaan.

One time, kailangan ng formula milk ng bata, from his show, dumaan siya sa isang 24-hour drugstore sa may bandang EDSA-Kamuning para bumili ng gatas ng bata para ipahatid ito.

Ngayon, may pinaglalaanan si Michael ng mga kinikita niya. Hindi lang ang bagong van na binili niya para sa sarili kundi para sa kinabukasan ng bata.

ADVERTISING

Sa mga tagahanga at supporters ni Michael, here are the schedule of Michaels performances. Starting on January 22 (today, Friday) – Ever Gotesco Manila (4PM); DZMM’s Global Singing Pinoy Idol at Market, Market (5:45PM); Immaculate Conception Seminary in Guiguinto, Bulacan (8:30PM); and Michael Sounds Familiar In Guiguinto for the Halamanan Festival at Guiguinto, Bulacan Gymnasium (9:30PM); 23 – Xentro Mall in Santiago, Isabela (4PM); 24 – Abra; 26 – 2 corporate events; 30 – Xentro Mall Lemery, Batangas (4PM); 31 – Xentro Mall Calapan, Mindoro (4PM), Michael Sounds Familiar in San Jose, Mindoro (9PM). For the month of February, here are Michael’s skeds: 1 – corporate show; 5 LCC Mall Zamboaga City; 6 – Bacolod City (2 shows – one for charity and 1 for ABS-CBN Bacolod event); 7 – Xentro Montalban (4PM); 9 – corporate show; 12 – Ayala fun-run Cebu City; 13 – CSI Mall La Union (4PM); 14 – Pavillion Mall Biñan, Laguna (4PM), 20 – charity show Mandaluyong (1 PM), concert with KZ Tandingan at San Jose del Monte, Bulacan (7PM); 21 – Balagtas (Bulacan) Town Center (4 PM); 25 – Baguio Pop Fiesta; 27 – Tanay Town Center (4PM).

Sa totoo lang, naloloka ako sa mga schedules ni Michael. ‘Di ko alam kung nakapagpapahinga pa siya sa kaliwa’ kananang mga activities, shows, and guestings niya.

Ayon sa manager ni Michael na si Jobert Sucaldito, marami pa ring nag-i-inquire para sa mga guestings ni Michael.

Sa katunayan, in between his gigs, happy si Michael at naisisingit pa rin niyang dumalaw sa kanyang baby. “Oks na kami ng mommy niya. We have settled our differences,” sabi ng singer.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING