Michael Pangilinan, prangka at walang paliguy-ligoy

ADVERTISING

Michael Pangilinan, prangka at walang paliguy-ligoy

Michael-Pangilinan-Boy-AbundaIMPRESSIVE ANG sagot ni Michael Pangilinan sa King of Talk na si Boy Abunda nang mag-guest siya kamakailan sa show nitong “Tonight with Boy Abunda” kung saan kamakailan, diretsahan niyang sinagot ang tanong ni Kuya Boy sa Fast Talk segment niya na: “Sex or chocolates?” Walang kagatul-gatol ang sagot ng singer: “sex”.

Ganyan si Michael. Diretso kausap. Hindi paliguy-ligoy na pa-clean image tulad ng ibang mga kabataang artista sa showbiz ngayon na pa-cute lang ang peg. May mga tanong si Kuya Boy kay Michael na kung ibang artista lang siguro si Khiel (palayaw ni Michael), matataranta na sa questions.

Tanong ni Kuya Boy kung makasisira ba sa career niya kung sakaling makabuntis siya, sagot ng singer bluntly: “Hindi, hindi makakasira kung mangyari man ‘yun. Kasi alam mo ngayon, Tito Boy, ‘yung mga tao sobrang mature na silang mag-isip. Hindi na sila ‘yung, ‘ay nakabuntis, wala na ‘yan, wala na ‘yan.’ Kasi feeling ko, Tito Boy, ngayon ha? Tinitingnan nila ‘yung talent, ‘yung dedication mo sa ginagawa mo. Kung talagang worth it kang makasama sa isang project na ito. Kung saan man o kung ano mang trabaho mo, kung nasa office ka man, kahit makabuntis ka o kung ano mang mangyari, as long as hindi mo tinatakbuhan ‘yung kung ano mang nagawa mo.”

Sa puntong ito, napabilib ni Michael si Kuya Boy sa sagot niya.

ADVERTISING

Sa mga tagahanga ni Khiel abangan ang kanyang birthday concert na magaganap sa December 18 dubbed as “Michael Sounds Familiar” (birthday concert niya) at Music Museum with guests Randy Santiago and Gabrielle C. (anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna).

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING