Michael Pangilinan, pasok sa finals ng “Youe Face Sounds Familiar”

ADVERTISING

Michael Pangilinan, pasok sa finals ng “Youe Face Sounds Familiar”

Michael-PangilinanKasama ang anak-anakan naming si Michael Pangilinan sa grand finals ng “Your Face Sounds Familiar” na gaganapin sa Dec. 12 and 13. Naka-tie niya sa fourth spot si Denise Laurel kaya instead na Final 4 ay ginawa itong Final 5.

Michaels last performance nu’ng Saturday is really amazing and unforgettable. He was so effortless sa panggagaya sa itsura (sa tulong ng magagaling na make-up artists) at boses nina John Legend at Sam Smith.

In fact, siya ang binigyan ng pinakamataas na score ni Gary Valenciano (8 points) at second highest naman from Jed Madela (7 points). Nalaglag naman sa Final 4 si Eric Nicolas na sa simula pa lang ng contest ay palaging matataas ang scores.

Bukod kay Denise, makakalaban ni Michael sa finals night ng YFSF sina KZ Tandingan, Kean Cipriano, at Sam Concepcion. In fairness, walang itulak-kabigin sa limang ito pagdating sa panggagaya kaya sa text votes sila magkakatalo.

ADVERTISING

Last year’s winner is Melai Cantiveros and she’s the only girl sa Final 4. Itong second season, dalawa ang girl kaya mas exciting ang labanan.

Michael’s manager (Jobert Sucaldito) is appealing to the public na iboto nila si Michael sa finals night. Of course, pareho nilang dream ni Michael na mag-win. But whatever happens, masaya raw sila na na-witness ng mga tao kung ano pang talent ang puwedeng i-offer ni Michael.

Ang layo na talaga ng narating ni Michael and I’m proud to say na naging bahagi ako ng kanyang journey na ito sa showbiz. Congrats, Michael!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING