Michael Pangilinan, pagkatapos ng “Powerhouse” concert sa Solaire, tututok naman sa kanyang free birthday concert sa Rajah Sulayman Park

ADVERTISING

Michael Pangilinan, pagkatapos ng "Powerhouse" concert sa Solaire, tututok naman sa kanyang free birthday concert sa Rajah Sulayman Park

Michael Pangilinan
Michael Pangilinan

Sa darating na Friday, October 28, magaganap na ang “Powerhouse” concert nina Arnel Pineda, Morisette, at Michael Pangilinan na gagawin sa The Theater at Solaire na produced ng Lucky 7 Koi Productions, Inc.

Sa katunayan, halos araw-araw na ang practice nina Arnel, Morisette, at Kiel, kasama ang The 4th Impact, Mayumi, at T.O.M.S. Band simula yesterday, Monday, sa paandar na ito ng grupo nina Mama Lily Chua at Atty. Loyzada.

Si Michael na hindi nakadalo sa presscon ng malaking show na ito dahil stranded sa Bacolod City bunsod ng bagyong Karen, excited sa magaganap sa darating na Biyernes.

Say nga ni Michael sa amin, super excited siya sa show dahil first time niyang makasasama ang idol na si Arnel on stage.

ADVERTISING

“International singer po si Arnel. Journey ‘yan. Ibig sabihin, hindi basta-basta,” sabi ng singer sa amin.

Si Morisette, alam naman natin na always performance level sa kanyang pagkanta, na ang mga birit ay hindi mo ia-under estimate.

Magaling ang apat na magkakapatid na The 4th Impact na napanood namin sa Star Awards for Music last Sunday na nag-perform.

No doubt ang nasabingconcert ay isang show na mae-enjoy namin na nasa direksyon ni Audie Gemora.

Kaya nga after ng concert na ito, si Michael naman ay pagtutunan naman niya ng pansin ang kanyang free birthday concert na gagawin sa Rajah Sulayman Park (infront of Remedios Church sa pagitan ng Roxas Blvd.) sa November 26, exact date mismo ng birthday ng anak-anak namin.

Sa imbitasyon ng kaibigang Jobert para sa lahat, lalo na sa fans and supporters ni Michael: “This is an open invitation to the public. Yes! Tuloy na tuloy na ang free thanksgiving birthday concert ng baby natin na si Michael Pangilinan sa November 26, 2016 (Saturday) sa Rajah Sulayman 4-7 PM. This will be a star-studded free concert for Manilenyos and its neighbor cities – Michael’s way of giving back dahil he turns 21 years old that day mismo!

“Napakaraming guest-artists. Nakatutuwa! Halos lahat ng mga nakasama na ni Michael sa concert stage agreed to come and perform. Whew! Soooooo very exciting indeed! Kaya mark that day – November 26, 2016 from 4-7PM at Rajah Sulayman Park, Malate, Manila.”

Ngayon pa lang, nagpapasalamat na siya kay Manila Mayor Joseph Estrada for helping him out to make this very momentous event become a reality. Hindi kasi basta-basta makapag-produced ng open air show na sa sobrang expensive ng light and sounds rental and its for free, kailangan talaga ng manager ni Michael ng ayuda.

“This will truly be a blast. Advance happy birthday, Michael anak. How time really flies! Nakilala kita when you were barely 16 years old – ngayon you’re turning 21 na. Debutante ka na,” sabi ni Jobert sa amin.

Balita ko na special production number ang magiging duet ng singer at ni Mayor Erap.

Masaya ito. Kitakitz on November 26. Remember, it’s for free.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING