Michael Pangilinan, maraming commitments ang ‘di nasipot dahil kay “Karen”

ADVERTISING

Michael Pangilinan, maraming commitments ang 'di nasipot dahil kay "Karen"

Michael Pangilinan
Michael Pangilinan

Bukod sa mga flight na na-cancel last Sunday due to typhoon Karen, marami rin sa mga taga-showbiz ang naabala.

Si Michael Pangilinan, noong Saturday evening ay nasa Bacolod City to serenade the contestants of Masskara Festival Queen 2016 sa City of Smile, hindi nakabalik ng Manila the following day (Sunday) dahil nakansel ang flight niya due to the bagyo.

Friday morning sila umalis for Bacolod dahil prior to serenading the beauty contestants last Saturday evening, isa pala sa big activities during Masskara ay may ibang ganap pa si Michael like ang pagbisita niya sa dalawang elementary schools na ang isa ay nagbangka pa sila to reach the island.

Sunday morning nagdeklara na all flights to Manila are cancelled.

ADVERTISING

Na-tense si Khiel sa sitwasyon niya nang malaman ng singer mula sa organizer ng Bacolod event niya, dahil kailangan ang singer sa Solaire Hotel & Casino for the presscon ng 1:00 pm yesterday (Sunday) para sa “Powerhouse: A Concert of World Class Pinoy Performers @ The Theater at Solaire” with Arnel Pineda, The Next Big Diva Morisette (na wala at nasa Singapore), at ng X-Factor UK Finalist na The 4th Impact. Hindi nagawan ng paraan ng singer na makabalik ng Manila just in time for the presscon.

Dapat last Friday, ang manager niyang si Jobert Sucaldito ang kasama ni Khiel sa Bacolod, pero last minute, nagkaroon ng changes dahil ang ka-partner ng kaibigang Jobert sa radio show nila na “Mismo” sa DZMM ay absent sa Friday evening show nila at nasa Singapore naman para sa DZMM event para sa mga kababayan natin. No choice na hindi na sumama si Jobert sa alaga niya.

“Kung hindi ako nagpaiwan sa Manila para sa Friday night show namin ni Papa Ahwel, pati ako, stranded sa Bacolod. ‘Pag nagkataon ay nagkagulo na sa presson yesterday na ako ang nag-invite at nag-moderate,” sabi nito sa amin.

Maging ang guesting ni Michael last night (Sunday) sa show ni Marion sa 19 East Bar and Grill sa may bandang Sucat, Parañaque ay isa sa mga commitment ni Khiel na hindi niya nagawang siputin due to the flight cancellation earlier that day.

Pero sabi ni Khiel thru his manager na si Jobert ay babawi siya. As of this writing, inaayos na ng manager niya ang guesting ni Michael sa next bar tour ni Marion na gagawin sa Historia along Sgt. Esguerra (near Timog Ave.) in Quezon City, na naka-schedule on December 1.

Sa text message last night ni Khiel kay Jobert, “Pakisabi, ‘Nay, sa mga nanonood na babawi ako,”sabi ng singer.

Sa absence ni Michael sa show ni Marion last night, mabuti na lang at may bagong talent ang kaibigang Jobert named Kiel Alo na isang ballader na siyang nag-substitute sa puwesto ni Michael.

Sa Solaire concert on October 28, makasasama rin nina Michael and company ang Grand Champion Jap-Pinoy Star Quest of ABS-CBN na si Mayumi at ang T.O.M.S. Band.

Sa fans ni Michael Pangilinan, abangan ang free concert niya on his 21st birthday sa November 26 sa Rajah Sulayman Park sa pagitan ng Remedios Church at Roxas Boulevard.

Bongga ang guests line-up for the free show. We will write an update sa libreng show na ito ng singer dito sa kolum natin.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING