Michael Pangilinan, hindi itinanggi ang kumakalat na sex video

Michael Pangilinan, hindi itinanggi ang kumakalat na sex video

Michael Pangilinan, hindi itinanggi ang kumakalat na sex videoHindi naman itinanggi ni Michael Pangilinan na siya nga ang nasa kumakalat na sex video na lumabas sa social media nu’ng Valentine’s Day.

“Matagal nang kuha iyon, more than 3 years ago pa. May ka-chat akong half-Filipina, half-American girl na kalandian ko. Iyon ‘yung panahon ng kagaguhan ko pa, remember? ‘Yung kataasan ng katigasan ng ulo ko. Hehehe!” pagtatapat ni Michael sa manager niyang si Jobert Sucaldito.

Dagdag pa niya, “Wala iyon, ‘Nay. Huwag kang mag-alala, hindi na mauulit iyon. ‘Di ba’t matagal na akong good boy? Sorry, ‘Nay ha? Binigyan na naman kita ng problema. Promise, good boy na ang baby mo,”  dagdag pa niya.

Ayon naman kay Jobert, “Ano pa nga ba ang gagawin ko, eh, matagal na bagay na iyon. Ang mahalaga ay umamin ang anak ko. Hindi naman marunong magsinungaling ang batang iyan, eh. Sabi ko nga, kung recently lang kuha iyon, masasapok ko talaga siya. Kaso matagal na pala iyon and it just so happened na may nag-upload. Sumabay pa siya sa paglipana ng mga sex videos ng mga male stars natin.”

May mensahe naman si Michael Pangilinan sa nagkalat at nakapanood na ng kanyang sexy video.

“Mag-enjoy na lang siya at nagtagumpay siyang pagpistahan ako. Sa mga nakapanood ng video ko, Happy Valentine’s na lang and congrats,” biro pa ni Michael.

Humingi rin ng paumanhin si Michael sa kanyang supporters.

“Life moves on. Maraming salamat sa mga fans kong hindi bumitiw, na patuloy pa rin akong minamahal kahit may kagaguhan akong ginawa in the past. Alam kong mali ang ginawa ko and I feel sorry for that,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas