Michael Pangilinan, ‘di natupad ang birthday wish

ADVERTISING

Michael Pangilinan, ‘di natupad ang birthday wish

Michael Pangilinan
Michael Pangilinan

Michael Pangilinan shed tears dahil sa tanong namin kung ano ang kanyang birthday wish after his successful birthday concert sa Rajah Sulayman Park sa Malate, Manila last Saturday.

“Wala akong ibang wish. All about my baby lang. Kanina bago ako pumunta sa concert ay wish ko sana maghimala na bigla na lang iakyat (ang baby ko). Alam mo ‘yun,” say niya.

It was obvious na umasa si Michael na maiisip ng mother ng kanyang baby na bigyan siya ng sorpresa sa kanyang 21st  birthday.

“Kunwari, baliktarin natin. Birthday eh. Ano ba naman ‘yung…kahit hindi ikaw ang magbigay ay ipasuyo mo lang (ang baby). ‘O, ihatid mo lang ito doon.’ Hindi malaking bagay ‘yon, ‘yun ang buhay ko. Birthday ko, debut ko, kasama ko ‘yung anak ko?”

ADVERTISING

He revealed na before the concert ay “humihingi ako ng dasal sa lahat.”

“Sana ipagdasal n’yo rin sana (dumating ang baby ko). Sana magulat ka na lang. Sana sorpresahin ka na.  ganoon ang gusto nilang mangyari. So umasa ako kasi…kung matino ka, birthday nu’ng tatay, ano ba naman ‘yung mag-effort ka. Little effort  na…may kotse ka naman, biyahe ka, tapos na. Kung nakikipagtaasan ka ng pride, ‘wag kang bumaba. ‘Wag kang bumaba, ipahatid mo ‘yung bata. Siyempre, kahit ako aakyat ng stage, (sasabihin ko), ‘Nay Jobert, i-cancel mo muna ‘yung ano ko. Bigyan mo muna ako ng 30 minutes. Madali lang naman ‘yun, eh.”

Ang daming guests ni Michael sa concert niya including Mayor Erap Estrada, KZ Tandingan, Ate Gay, Duncan Ramos, Luke Mijares, Kiel Alo, Boobsie Wonderland, Marion, Garie Concepcion, Nikko Natividad, Ezekiel, Kyle Matthew Manalo, Atak, Harana, Jimmy Bondoc, Richard Parojinog, at Stefanie. The show is hosted by DJ Chacha and Romel Chika.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING