Michael Pangilinan, bumagay ang gay love song

ADVERTISING

Michael Pangilinan, bumagay ang gay love song

Michael-PangilinanALIGAGA ITONG si Jobert sa kapu-promote sa alaga niyang si Michael Pangilinan na magkakaroon ng concert bukas ng gabi sa Teatrino.

Bale promo na rin daw ito sa pagsali niya sa Himig Handog na kung saan siya ang interpreter sa entry ni Direk Joven Tan na kantang Pare, Mahal Mo Raw Ako.

Si Direk Joven ang winner ng Himig Handog nu’ng nakaraang taon, at ngayon ay kakaiba na naman ang kanta niyang isinali dahil may temang kabaklaan.

Kanta ng isang lalaki na kina-inlaban ng bestfriend niyang isang bading.

ADVERTISING

Sabi kasi ni Direk Joven, ang dami raw niyang kinausap na kakanta nito, tumanggi raw. Meron nga siyang sikat na aktor na gustong kumanta, pero alam daw niyang hindi ito gagawin kaya pinagpilian nila nang husto kung sino ang bagay at papayag na kumanta.

Bumagay naman kay Michael at ngayon nga ay pinag-uusapan na. Tiyak na isa ito sa pinakapaborito lalo na’t suportado ito g LGBT community.

Magandang hakbang ito sa gumagandang career ni Michael. Kaya malaki ang pasasalamat ni Jobert sa mga kaibigang sumusuporta kay Michael lalo na sa concert niya sa Teatrino bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING