Michael Pangilinan, biktima ng sexual harassment

Michael Pangilinan, biktima ng sexual harassment

Michael Pangilinan
Michael Pangilinan

Naloka kami sa kuwento ni Michael Pangilinan sa presscon ng pelikulang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na first acting job ng singer na nagpasikat ng naturang awitin, na ngayon ay isa nang pelikula na nasa direksyon ni Joven Tan.

Hindi maiiwasan kasi na ang kaguwapuhan at sex appeal ni Khiel ay maging biktima rin siya ng sexual harassment.

Yes, isang sexual harassment victim si Michael Pangilinan minsan sa isang out of town show niya, kung saan biglang dinakma ng isang kapatid na beki ang harapan niya na dahil marahil hindi mapigilin ni ate sa pantasya niya kay Michael ay sapo-sapo ng isang kamay nito ang kabuunan ng nasa pagitan ng dalawang binti ng guwapong mang-aawit.

“Nagulat ako. Siyempre first time nangyari ‘yun sa akin na sapol na sapol mismo ‘yong “kuwan” ko, hawak-hawak niya.

“Mabuti lang hindi ko siya naabutan. Kasi naman ang mga fans kung minsan wild din,” kuwento niya na napaiiling na lang siya sa naging karanasan.

Witnessed kami sa San Fernando, La Union kamakailan kung paano pagkaguluhan si Khiel ng mga tagahanga niya. Mula babae hanggang sa mga beki.

Sa entablado, may regular script si Khiel na pawang mga beki ang ka-join sa isang production number  niya habang kinakantahan niya ang mga ito.

Dahil guwapo at malakas ang sex appeal, hindi maiiwasan na may mga beki na gusto siyang tsansingan, pero after ‘yong dakma experience niya, knows na ng singer kung papaano i-secure ang sarili sa mga fans (babae man or beki) na hindi siya mahipuan.

Si Khiel pa naman, kung magsuot ng pantalon, mahigpit at hapit na hapit na sa may bandang “kuwan” niya na sa mga malisyoso or shall I say sa mga nangigigilil sa kaseksihan niya on stage, mate-tempt ka sa singer while he performs.

Sabi ng singer, “Malaki ang respeto ko sa mga LGBT. Lalo na sa mga gay friends natin na very supportive sa career ko. Marami akong mga gay friends na kaibigan ni Nanay Jobert (Sucaldito). May respeto ako sa kanila, dahil may respeto rin sila sa akin.”

Sa pelikula niya na ipalalabas na come June 8 na release thru Viva Films, ang role niya ay love interest ng best friend niya (played ay Edgar Allan Guzman).

‘Yong bed scene nila ni EA, maraming beki ang nag-react habang pinanonood angg naturang eksena.

I’ve seen the movie. I find it naughty, funny, and aliw na kung minsan sa buhay mo ay nakaroon ka ng karanasan na manligaw ng kapwa mo lalaki o ‘di kaya’y ikaw ang niligawan ay mapangingiti ka na lang.

Sa pelikula, makasasama rin nina Michael at EA sina Ana Capri, Joross Gamoa, and Matt Evans (na aliw kami sa kakulitan ng dalawa), Miggy Campbell, Katrina Legaspi, #Hastag Nikko Seagal (na very daring and funny ang ginampanan), at siyempre si Nora Aunor who plays mom to EA.

Reyted K
By RK VillaCorta