Michael Pangilinan, balik-concert scene matapos umarte sa gay film

ADVERTISING

Michael Pangilinan, balik-concert scene matapos umarte sa gay film

Michael Pangilinan
Michael Pangilinan

Sa totoo lang, hindi ko alam kung papaano nakakayanan ni Michael Pangilinan ang kanyang mga schedules.

After the success ng kanyang unang pag-arte sa pelikula via the gay film “Pare, Mahal Mo Raw Ako”, balik concert scene si Khiel sa iba’t ibang bahagi na mundo.

Yes, two concecutive weekends ay nag-show siya sa Tawian with Papa Ahwel Paz na sinundan naman the following weekend ng isang show sa Tokyo, Japan with Ogie Alcasid and Christian Bautista for a telephone company.

Aminado si Michael Pangilinan na he is more of a singer kaya nga kahit kaliwa’t kanan ang mga gigs niya, ang pagod ay hindi niya iniinda.

ADVERTISING

Kaya nga sa Friday, July 1, nang maisingit sa hectic schedule niya ang show, he will be performing again with her Ate Prima Diva Billy (she’s back for a short vacay in Manila at babalik din by July 3 sa Dubai where she is currently based) for a concert sa Teatrino in Greenhills, dubbed as “Full Tank” together with some of his co-X Factor co-finalists like Gab Maturan, Allen Sta. Maria, and grand winner KZ Tandingan.

“Marami akong bagong kantang inaaral dito – marami kaming prod numbers ng mga kasama ko sa X-Factor dati. Excited akong sobra dahil parang reunion of sorts namin ito. Ang pinakakinakabahan ako ay ang gagawin naming duet ni Ms. Verni Varga ng original song niyang “Kahit Isang Saglit”. Sana hindi ako manginig sa stage – iba kasi ang presence ni Ms. Verni. Sabi nila, nanlalamon daw nang buhay ito sa stage. Sana huwag akong nerbyusin. Hahaha!”, ani Michael na tinatakot ng mga friends natin regarding Ms. Varga’s extreme talent as a performer.

Si Billy naman na isa sa mga main performers ng concert, “Nagpagawa naman ako ng Adelle medley para sa show. Alam n’yo naman si Nay Jobert (Sucaldito), siya ang namimili ng repertoire namin. In fairness naman sa choices niya, gusto rin namin kaya ngayon, magkakasama na kami sa mutual understanding society. Pare-pareho kasi kami ng musicality,” pahayag ng biriterang singer.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING