Michael Pangilinan at Garie Concepcion, chill lang sa kanilang relasyon

ADVERTISING

Michael Pangilinan at Garie Concepcion, chill lang sa kanilang relasyon

HAPPY sina Michael Pangilinan at Garie Concepcion sa kanilang relasyon. In short, cool at chill lang ang dalawa na hindi nagmamadaling mag-asawa tulad ng mga nangyayari ngayon sa mga taga-showbiz na kasing-edad nila.

Michael Pangilinan at Garie Concepcion, chill lang sa kanilang relasyon
During the birthday celebration of Jobert Sucaldito at the Agatha Resort in Guiguinto, Bulacan last April 16 (L-R: Nikko Natividad, Kiel Alo, Mrs. Presila Cruz, Jobert Sucaldito, Garie Concepcion, Michael Pangilinan, Jona, and Ezekiel Hontiveros)
Michael Pangilinan at Garie Concepcion, chill lang sa kanilang relasyon
Jobert with Mrs. Presila Cruz (wife of Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz), Melanie Marquez, and Rene Villanueva
Michael Pangilinan at Garie Concepcion, chill lang sa kanilang relasyon
Jobert with his talents Nikko, Michael, Kiel, and Ezekiel
Michael Pangilinan at Garie Concepcion, chill lang sa kanilang relasyon
Jobert with entertainment media friends Roldan Castro, Rommel Placente, Mildred Bacud, John Fontanilla, and RK Villacorta

Noong concert ni Michael sa Music Museum last April 8, nandu’n si Garie, pero low profile lang siya. Hindi umagaw ng eksena.

Sa birthday party ng kaibigang Jobert Sucalito last night (April 16), na Araw ng Pagkabuhay, nandu’n ang magsing-irog kasama ng ilang showbiz friends na isinagawa ng celebrator sa Agatha Resort sa Guiguinto, Bulacan sa kabila ng buhos ng trapik sa NLEX.

Present that evening ang mga talent ni Jobert (aside from Michael) na sina Kiel Alo, Ezekiel Hontiveros, at Hashtag Nikko Seagal Natividad na may pelikula ngayon with Ai Ai delas Alas (minus Prima Diva Billy na nasa Dubai performing sa isang five star hotel).

ADVERTISING

Siyempre, hindi mawawala ang dating Miss International na si Melanie Marquez na kaibigan ni Jobert noon pa man, at ang bagong love ni Jobert na super galing mag-perform na si Jona na sa kabila ng traffic sa NLEX ay dumayo pa imbes na ipahinga na niya.

Ang saya ng party with friends tulad nina Bobby Benedicto who came from Bacolod; Roel Caba na producer ng provincial shows; ang Pink Mannequins of Club 690; at kaming entertainment writers na dumalo na nag-commute pa dahil wala makuhang driver tulad nina Roldan Castro, Mildred Bacud, John Fontanilla, at Rommel Placente na waging-wagi na umuwing naka-smile.

Si Mayora Presila Cruz na maasikasong misis ni Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz at si Tito Rene Villanueva ay abala sa pagtse-tsek na maayos ang party.

Happy birthday, Job!

ADVERTISING