Mich Liggayu, ibinuking ng ina ni Jam Sebastian

Mich Liggayu, ibinuking ng ina ni Jam Sebastian

Mich-Liggayu-Maricar-SebastianWHAT BETTER way to commemorate the 40th day of a loved one than visiting the latter’s tomb?

Ganito ginunita ni Mrs. Maricar Sebastian ang 40 days ng kanyang namayapang anak na si Jam nitong April 12 sa Loyola Memorial Park. But more than offering her prayer, sinamantala na rin ng ina ang pagkakataong ‘yon to finally vent her grudges against her son’s former girlfriend, si Mich Liggayu.

Bahagi ito ng walong pahinang panayam sa kanya ng Startalk:

“‘Eto na ‘yung katahimikang inaabangan n’yo sa akin… sobrang depressed ang anak ko bago siya namatay.”

Diretso na niyang pinatamaan si Mich, “Bago siya namatay, inaway mo siya. Naka-life support siya, pinagmumura mo.” A contrite Mich asked that she be allowed to enter Jam’s hospital room, na pinagbigyan naman daw ni Maricar but she added, “Nu’ng namatay ang anak ko, ang ginawa mo, ni-log out mo sa Facebook, ni-log out mo ang e-mail, ni-log out mo ang Jamich page… bakit ganu’n ang ginawa mo? Para mawalan kami ng access? Kasi du’n pumapasok ang sinusuweldo n’yo sa You Tube. Hindi ka asawa. Ako ang nanay. Ako lahat ang may karapatan.”

Cheap as it obviously sounds, humantong na sa pera ang alitan sa pagitan ng “hilaw na magmanugang”.

Worse, hirit pa ni Maricar of Jam and Mich’s shared household expenses, “Patay na ang anak ko, pinagbabayad mo pa siya sa katulong sa bahay!”

Nagsalita rin ang ina tungkol sa lalaking nauugnay kay Mich, si Neo Domingo.

“Tuwing madaling-araw, saan ka nagpupunta? Hindi ka natutulog sa bahay. Kung sasabihin mong magkaibigan lang kayo, bakit mas marami ka pang time sa kanya? Alam mong kailangang-kailangan ka ni Jam. ‘Yung anak ko, hindi na lang kumikibo, pero alam niya lahat ng ginagawa mo. Kitang-kita ko sa anak ko kung paano siya namatay dahil sa depression.”

At tila nakatagpo pa ng kakampi si Maricar to prove that Mich and Neo are more than just friends.

“Ultimo kamag-anak mo, nagsasabi na magkasama kayong nag-iinuman ng lalaki mo.”

Base sa kuwentong ito, we cannot help but compare this sa kaso ng namayapa ring si Liezl kung saan inaaway rin ng ina nitong si Amalia Fuentes ang asawang si Albert Martinez. The obvious difference nga lang, Jam and Mich were not a married couple, still, the issue common to the Amalia-Albert rift ay sumbatan tungkol din sa pera.

Alang-alang na lang sana sa mga namayapa nilang mahal sa buhay—who must be turning either in grave or inside the urn—manahimik na lang sila pare-pareho.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III