Michael Pangilinan, masuwerteng napili para haranahin si Miss Universe Pia Wurtzbach

ADVERTISING

Michael Pangilinan, masuwerteng napili para haranahin si Miss Universe Pia Wurtzbach

Micahel Pangilinan, masuwerteng napili para haranahin si Miss Universe Pia WurtzbachHappy kami sa anak-anakan namin na si Michael Pangilinan.

ADVERTISING

Sa dinami-dami na mga singers na guwapo sa kuwadra ng Kapamilya Network, siya pa ang napili ng ABS-CBN para mag-serenade kay Miss Universe Pia Wurtzbach sa pagbisita ng dalaga sa “It’s Showtime” kaninang tanghali, Miyerkules, January 27.

Yes, sa grupo nina Michael Pangilinan na Harana na kinabibilanganan nina Marlo Mortel and company; mula sa hanay nina Piolo Pascual at Sam Milby, good choice ang ginawa ng “It’s Showtime” creative team at siyempre ng Kapamilya Network na ipa-serenade si Pia Wurtzbach kay Michael with the song “Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko” na pinasikat ng Manila sound band na Hotdog during the late 70’s.

Kaya nga nakatutuwang tingnan na ang pagtitiyaga ni Michael sa showbiz ay nagkakaroon na ng linaw ang kanyang mga pangrap na makilala as a singer.

ADVERTISING

By the way, sa mga fas ni Kiel (palayaw niya) ay malapit na ring ipalabas ang first movie niya from his hit song “Pare Mahal Mo Raw Ako”, kung saan si Edgar Allan (EA) Guzman ang kanyang makaka-partner mula sa direksyon ni Joven Tan na siya ring nag-compose ng kanta.

Just to give you an idea of the gay themed film; batay ito sa LGBT love song na ang tema ng pelikula ay ang tungkol sa pagmamahal ng dalawang magkaibang lalaki na hindi alam ng isa na ang kaibigan pala ay isang gay na may lihim na pagmamahal sa kanya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING