Mga talent, nganga; kontrobersiyal na manager, kinuhang lahat ang kanilang TF!

NAKU, HUH! Nagrereklamo na raw ang ibang talents ng kontrobersiyal na manager, huh! May tsika kasing ‘yung suweldo sana na makukuha nila para sa talent fee nila ay nakubra na raw ng manager. Naloka raw ang mga ito nang nagtatanong na kung may suweldo na sila sa cashier pero laking gulat daw nila nu’ng sinabi sa kanila na wala na dahil nakuha na ito ni manager.

Nganga raw as in ngangang-nganga ang mga talent at nagtatanong kung bakit daw ganu’n? Alam daw nila ay sila ang kukuha ng suweldo at sila na ang magibibigay ng komisyon sa manager. Bakit daw lahat ay kinuha?

Ano kaya ang gagawing pantatakip na naman ni manager sakaling isang araw ay may magsalita sa mga talent niya’t sabihin ang ginawa nito?

Hindi kaya giyerahin nito ang mga talent niya’t pagsalitaan ng kung anu-ano?

Afraid, huh!

(By Ronald Rafer)