Mga sikat na showbiz personalities, nag-Ice Bucket Challenge na

ADVERTISING

Mga sikat na showbiz personalities, nag-Ice Bucket Challenge na

Kris-Aquino-Vice-GandaKUNG SINU-SINO nang mga sikat na showbiz personalities ang tumanggap ng hamon na mag-Ice Bucket Challenge para sa ALS Organization.

ADVERTISING

After itong gawin ni Kris Aquino nang live sa The Buzz nu’ng Sunday, sinundan naman ito nina Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda at ni Vice Ganda sa It’s Showtime nu’ng Monday.

After ng challenge ay Sina Richard Yap, Direk Bobet Vidanes at Coco Martin ang ni-nominate ni Vice na mag-Ice Bucket Challenge. That same afternoon tinanggap ni Direk Bobet ang challenge na ipinasa naman niya sa couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Kahapon naman, nag-post si Anne Curtis accepting the Ice Bucket Challenge. Ang iba pang tumanggap ng challenge ay sina Vhong Navarro and Robin Padilla.

ADVERTISING

Ang iba pang mga nominated na hinihintay ng fans to do the challenge ay sina Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz, Regine Velasquez at ang magdyowang sina Angel Locsin at Luis Manzano.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING