Mga sasakyan ng showbiz couple, ‘nawawala’ na sa garahe: misis, ‘pag tinotopak, mga sasakyan ang pinagdidiskitahan!

ADVERTISING

HINDI NAMIN TIYAK kung ilang sasakyan mayroon ang showbiz couple na ito, all that we know ay wala na ang mga ito sa garahe ng kanilang tahanan.

Nope, hindi na-carnap ang mga ‘yon, nor were they pulled by the financing company due to delinquent loan payments.

May kung ano kasing trip si misis sa tuwing sinasapian ng topak, mga sasakyan nilang nananahimik sa garahe ang madalas daw niyang pagdiskitahan. Kuwento ng kasamabahay ng mag-asawa, “Naku, nakakaloka ‘yang si ma’am pag tinotopak, imagine, nandu’ng ginuguhitan niya ‘yung mga kotse, hinahampas niya ng matigas na bagay, basta kung ano na lang ang maisip niyang gawin, ‘yung mga nakaparadang kotse nila ang pinagtitripan niya!”

Ang ending: para na lang umabot pa sa posibleng total destruction ang mga naipundar na sasakyan ng mag-asawa, isang araw ay nagdesisyon ang mister nito.  Kaagad na niyang inilipat ng garahe ang mga kotseng ‘yon, kaya ang noo’y parking space ng mga mamahalin nilang sasakyan ay mala-disyerto na ngayon.

Wala nga lang camel…camel daw, o!

ADVERTISING

(By Ronnie Carrasco III)

 

 

ADVERTISING