Mga paninira kina Aiko Melendez at Jay Khonghun, wa epek sa mga taga-Zambales!

ADVERTISING

Mga paninira kina Aiko Melendez at Jay Khonghun, wa epek sa mga taga-Zambales!

Mga paninira kina Aiko Melendez at Jay Khonghun, wa epek sa mga taga-Zambales!
Aiko Melendez and Jay Khonghun

BUMALIK at nag-boomerang sa kalaban ng nobyo ng award-winning actress na si Aiko Melendez na si Vice gubernatorial candidate Jay Khonghun ang mga paninira ng katunggali nito sa lalawigan ng Zambales.

Mantakin niyong “woke” na ang mga tao sa probinsiya dahil siguro sa kasikatan ng social media at hindi na sila nagpapaniwala sa black propaganda. Kahit saan magpunta si Aiko at soon-to-be Zambales Vice Governor Jay ay tila walang narinig na pangungutya mula sa kabila ang tao dahil inakap nila ang dalawa at pinapakinggan ang kanilang mga inilalatag na plano at plataporma para sa Zambales.

Sabi pa ni Aiko, hindi talaga sila nagpapaapekto ng boyfriend na si Jay sa ngalngal ng kalaban dahil wala naman itong katotohanan.

Sa post niya sa Facebook, tila nagpakalat ng trolls ang mga ito para talagang siraan sila.

ADVERTISING

“Sipag gawa ng mga kalaban ng hate accounts? Hahahhaah di kayo busy? Ikot kayo sa mga barangay dapat para makita nyo situation sa bawat bayan. Habang kami halos puyat makita lang mga tao,” saad pa niya.

Post din ni Jay sa kanyang Facebook na Jay Khonghun, “Plataporma, Pagtulong, Plano At Serbisyo Para Sa Zambales… Hindi Paninira At pag yurak Ng Dignidad Ng Kapwa.

“Salamat po sa Inyong pag tanggap… Tuloy tuloy ang Pagtulong At pagsulong Zambales.”

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING