Mga OFW SA HongKong, excited sa paandar ng TFC today sa HK with BoybandPH!

ADVERTISING

Mga OFW SA HongKong, excited sa paandar ng TFC today sa HK with BoybandPH!

Mga OFW SA HongKong, excited sa paandar ng TFC today sa HK with BoybandPH!
BOYBANDPH

SIGURADO AKO NA happy ang mga Pinoy na kababayan natin sa Hongkong ngayong araw (June 18) sa pagse-celebrate ng ika-119 na Araw ng Kalayaan na handog ng The Filipino Channel (TFC).

ADVERTISING
 
Si Arjo Atayde na mas kilala na nga yata as Joaquin at galing ng Vancouver (na dahil sa expired passport ni Geneva Cruz na dapat kasama niya) ay nagperform sa mga Pinoy community natin doon.
 
Last week si Michael Pangilinan ay nasa Seoul, South Korea naman para magbigay ng kasiyahan sa mga Pinoy OFW natin.
 
Ngayong araw, ang pambagets na singing group na BoyBandPH ay magbibigay saya sa mga kababayan natin.
 
Mga OFW SA HongKong, excited sa paandar ng TFC today sa HK with BoybandPH!
DJ CHACHA

Ang grupo na kinabinilangan nina Ford Valencia, Joao Constancia, Niel Murillo, Russell Reyes, at Tristan Ramirez ay nakilala sa talent search na Pinoy Boyband Superstar noong 2016.

 
Makakasama ng BoyBandPH ang sexy at kikay na DJ ng MOR101.1 For Life na si DJ Cha Cha na for sure ay mae-enjoy ng mga male OFW natin na nagwo-work doon.
 
Ang pakulo ng TFC sa Hong Kong ay magaganap later sa Edinburgh Place, Central (Hong Kong Island).
 
Ang paandar na ito ng TFC ay libre para sa lahat.
 
 
 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING