Mga Mukha ng Trahedya sa Showbiz

ADVERTISING

GERMAN MORENO

Isinugod ng kanyang anak na si Federico Moreno sa St. Luke’s Medical Center ang Master Showman na si Kuya Germs o German Moreno dahil sa mild stroke noong Enero 2, 2015. Ligtas si Kuya Germs sa inindang sakit at nakarekober ito, pero bahagyang apektado ang pananalita nito at paglalakad.

ANDI EIGENMANN

Shooting ng pelikulang Tragic Theater ang naging sanhi ng aksidente ni Andi Eigenmann na malaking pasa sa kanang hita ang naging bunga. Nakalutang sa ere si Andi sa tulong ng harness at habang nagda-dialogue ito katuwang si John Estrada, bumigay ang harness at nahulog ito sa taas na 10 hanggang 15 talampakan. Ilang linggo rin umanong hindi makalakad si Andi dahil sa natamong pasa. Nangyari ang aksidente unang linggo ng taon.

PIOLO PASCUAL

Dahil sa isang bike accident, gasgas naman ang mukha ni Piolo Pascual, Huwebes ika-22 ng Enero 2015. Benda sa kamay at daliri ang nakita ng mga netizens na ipinost ng kanyang anak na si Iñigo Pascual. Tinawag na “scarface” ni Iñigo ang kanyang tatay. Sa shooting ng isang patalastas ng ABS-CBN mobile nangyari ang aksidente.

JOLO REVILLA

Dalawang bersyon ng pagkabaril kay Jolo Revilla ang lumabas matapos mapabalitang naospital ito dahil sa tama ng baril noong 28 ng Pebrero 2015. Ayon kay Lolit Solis na malapit sa Pamilya Revilla, na-depress umano ito nang mabalitaang ililipat ang kanyang nakakulong na ama na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. mula sa Custodial Center sa Camp Crame tungo sa isang regular na detention cell. Pinabulaanan agad ng abogado ng Pamilya Revilla ang pahayag ni Lolit Solis. Pahayag ni Atty. Raymund Fortun, aksidente lamang umano ang pagkabaril ni Jolo sa sarili, dahil nililinis nito ang kanyang baril.

ANGEL LOCSIN

Kumalat ang balitang naaksidente sa shooting ng kanilang pelikula with Vilma Santos si Angel Locsin matapos umanong mahulog mula sa isang kabayo huling linggo ng Hunyo, 2015. Dumagdag pa ang isang pekeng balita sa internet na natsugi na raw ang aktres. Walang katotohanan ang balita, pero inamin ni Angel na may problema ito sa kanyang spine dahil sa “bulging disc”. Dahil umano sa iniindang sakit, napilitan itong mag-back out sa mga susunod na Darna roles. Matatandaang nahulog si Angel sa kabayo noong taong 2008 sa shooting ng pelikula nila ni Piolo Pascual kaya naman marami ang nagsasabing ngayon lamang lumabas ang epekto ng aksidenteng iyon. Ayon kay Angel, maaaring naapektuhan ang kanyang spine ng aktibong pag-eensayo nito at iba pang stunts na siya mismo ang gumagawa sa kanyang mga pelikula.
Kumalat ang balitang naaksidente sa shooting ng kanilang pelikula with Vilma Santos si Angel Locsin matapos umanong mahulog mula sa isang kabayo huling linggo ng Hunyo, 2015. Dumagdag pa ang isang pekeng balita sa internet na natsugi na raw ang aktres. Walang katotohanan ang balita, pero inamin ni Angel na may problema ito sa kanyang spine dahil sa “bulging disc”. Dahil umano sa iniindang sakit, napilitan itong mag-back out sa mga susunod na Darna roles.
Matatandaang nahulog si Angel sa kabayo noong taong 2008 sa shooting ng pelikula nila ni Piolo Pascual kaya naman marami ang nagsasabing ngayon lamang lumabas ang epekto ng aksidenteng iyon.
Ayon kay Angel, maaaring naapektuhan ang kanyang spine ng aktibong pag-eensayo nito at iba pang stunts na siya mismo ang gumagawa sa kanyang mga pelikula.

KRIS AQUINO

Nito lang unang linggo ng Nobyembre, namaga ang mukha ni Kris Aquino dahil sa allergy. Tumaas din umano ang blood pressure ng Queen of All Media dahil sa ininom na grape juice/cranberry juice na inilagay sa isang botelya ng red wine. Eksenang lasing si Kris sa pelikulang All You Need is Pag-ibig sa ininom kunong red wine, pero ang juice na inilagay sa botelya ng red wine pala ang magiging dahilan ng kanyang allergy. Maliban sa kanyang mukha, namaga rin ang mga labi nito at namula ang mata.
Nito lang unang linggo ng Nobyembre, namaga ang mukha ni Kris Aquino dahil sa allergy. Tumaas din umano ang blood pressure ng Queen of All Media dahil sa ininom na grape juice/cranberry juice na inilagay sa isang botelya ng red wine.
Eksenang lasing si Kris sa pelikulang All You Need is Pag-ibig sa ininom kunong red wine, pero ang juice na inilagay sa botelya ng red wine pala ang magiging dahilan ng kanyang allergy. Maliban sa kanyang mukha, namaga rin ang mga labi nito at namula ang mata.

LIEZL SUMILANG MARTINEZ

Breast cancer ang naging dahilan ng maagang pagpanaw ni Liezl Sumilang Martinez sa edad na 47. Pumanaw si Liezl noong ika-14 ng Marso 2015. Naiwan ni Liezl ang inang si Amalia Fuentes, asawang si Albert Martinez, at tatlo anak na sina Alyanna, Alfonso, at Alyssa. Dumating naman sa kanyang burol ang ama nitong si Romeo Vasquez (Ricardo Sumilang sa totoong buhay) isang matinee idol noong dekada ’60 na nagmula pa sa Estados Unidos. Pinsang buo ni Liezl sina Niño Muhlach at Aga Muhlach dahil ang kanilang mga ama ay kapatid ng kanyang inang si Amalia. Pitong taon na ang nakalipas magmula nang ma-diagnose si Liezl na may stage 3 breast cancer. Sumailalim ito sa mastectomy, chemotherapy, at radiation therapy. Inakalang magaling na si Liezl, pero bumalik ang sakit at lumipat na sa kanyang baga. Naging miyembro ng board ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Liezl bago ito binawian ng buhay.
Breast cancer ang naging dahilan ng maagang pagpanaw ni Liezl Sumilang Martinez sa edad na 47. Pumanaw si Liezl noong ika-14 ng Marso 2015.
Naiwan ni Liezl ang inang si Amalia Fuentes, asawang si Albert Martinez, at tatlo anak na sina Alyanna, Alfonso, at Alyssa.
Dumating naman sa kanyang burol ang ama nitong si Romeo Vasquez (Ricardo Sumilang sa totoong buhay) isang matinee idol noong dekada ’60 na nagmula pa sa Estados Unidos.
Pinsang buo ni Liezl sina Niño Muhlach at Aga Muhlach dahil ang kanilang mga ama ay kapatid ng kanyang inang si Amalia. Pitong taon na ang nakalipas magmula nang ma-diagnose si Liezl na may stage 3 breast cancer. Sumailalim ito sa mastectomy, chemotherapy, at radiation therapy. Inakalang magaling na si Liezl, pero bumalik ang sakit at lumipat na sa kanyang baga. Naging miyembro ng board ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Liezl bago ito binawian ng buhay.

ELIZABETH RAMSEY

Dalawang buwan ding nakaratay sa ospital si Elizabeth Ramsey dahil sa hyperglycemia resulta ng pagiging diabetic ito. Binawian ng buhay ang beteranang komedyate at singer sa ospital noong ika-8 ng Oktubre na ayon sa anak nitong si Jaya ay namatay habang natutulog. Sa edad na 83 naibahagi ni Elizabeth ang makulay na buhay nito sa publiko na puno ng pagpapatawa at musika na tanging siya lamang ang makakapagbigay. Iginawad ang titulong Queen of Rock and Roll kay Elizabeth noong regular itong lumalabas sa Clover Theater unang bahagi ng dekada ‘60. Mapalad ding nakapag-perform sa Las Vegas noong mga panahong iyon ang morenang singer-comedienne kasama ang sikat na si Sammy Davis, Jr. Ang programang Student Canteen ang naging dahilan upang makapasok sa mundo ng showbiz si Elizabeth. Nanalo sIya sa patimpalak ng naturang show sa telebisyon.
Dalawang buwan ding nakaratay sa ospital si Elizabeth Ramsey dahil sa hyperglycemia resulta ng pagiging diabetic ito.
Binawian ng buhay ang beteranang komedyate at singer sa ospital noong ika-8 ng Oktubre na ayon sa anak nitong si Jaya ay namatay habang natutulog. Sa edad na 83 naibahagi ni Elizabeth ang makulay na buhay nito sa publiko na puno ng pagpapatawa at musika na tanging siya lamang ang makakapagbigay. Iginawad ang titulong Queen of Rock and Roll kay Elizabeth noong regular itong lumalabas sa Clover Theater unang bahagi ng dekada ‘60. Mapalad ding nakapag-perform sa Las Vegas noong mga panahong iyon ang morenang singer-comedienne kasama ang sikat na si Sammy Davis, Jr. Ang programang Student Canteen ang naging dahilan upang makapasok sa mundo ng showbiz si Elizabeth. Nanalo sIya sa patimpalak ng naturang show sa telebisyon.

OZU ONG ng Masculados Dos

Malagim na kamatayan naman ang sinapit ni Marcelo “Ozu” Ong, miyembro ng Masculados Dos matapos itong barilin ng mga carnapper malapit sa gate ng kanyang tinutuluyan subdivision sa Angono, Rizal noong Linggo ng madaling-araw, ika-2 ng Agosto, 2015. Sakay ng kanyang Toyota Hilux si Ong pauwi ng kanilang bahay sa Primrose Subdivision nang barilin ito ng dalawang suspek. Bumaba umano si Ong sa kanyang sasakyan upang kausapin ang dalawa pero pinaputukan ito. Tinangay ng mga salarin ang kanyang kotse. Nahuli noong buwan ng Oktubre ang mga pinaghihinalaang pumaslang kay Ong. Ayon sa mga pulis, umamin ang isa sa kanila ng pagpatay kay Ong matapos silang mahuli na minamaneho ang isang pang na-carnap na kotse ng isang seaman na taga-Angono rin.

Ni Jo Capareda

ADVERTISING