Mga movies na kaabang-abang ngayong 2015

ADVERTISING

Mga movies na kaabang-abang ngayong 2015

NAIPALABAS NA sa sinehan ang mga movie ngayong 2015 tulad ng Cinderella na pinalabas nu’ng March 6, 2015, Furious 7 na pinalabas nu’ng April 4 sa ating bansa, at ang Avengers: Age of Ultron naman noong April 22, 2015, at mga iba pang pinalabas na movie. Kung inaakala natin ay konti na lang ang ating mga aabangan na mga movie sa mga susunod na buwan, aba’y nagkakamali tayo, sapagkat panimula pa lang ang mga ilang movies na ito at marami pang mga ipalalabas na tiyak na papatok sa masa.

ADVERTISING

Handa ka na ba? Dahil palabas na rin ngayon ang Pitch Perfect 2, nagbabalik ang Barden Bellas, talagang Pitches are back para sa mga hamon pa na competition na kanilang sasalihan at mga matitindi pang mga kalaban sa competition. Kung sa unang movie ay napa-wow tayo sa ganda ng mga mash up at a cappella na ating napanood, ngayon sa part 2 nito ay mas kaabang-abang ang mga bagong hamon, bagong mash up nila, kung saan ang Barden Bellas ay papasok sa international a cappella competition, kung saan wala pa ni isang American team ang nanalo. Sila kaya ang tanghalin na unang team na manalo sa international competition na ‘yon? Kaya panoorin na.

Coming soon na rin ang movie na kaabang-abang talaga, ang Star Wars: Episode VII – The Force Awakens. Handa ka na ba? Dahil after 30 years matapos ang Star Wars Episode VI: Return of the Jedi noong 1983 at ngayong 2015, The Force Awakens para sa isang epic space opera film na ating mapanonood. Ang Star Wars Episode VII ay nakatakdang ipalabas sa December 18, 2015 kaya abangan!

Handa ka na ba? Dahil handa na silang mag-roar sa theatre nitong June 2015 kaya humanda tayo sa pagdating nila muli, ang Jurassic World. After 22 years nu’ng event nu’ng Jurassic Park noong 1993, ang Jurassic World naman ang ating masasaksihan.

ADVERTISING

Para sa mga kids at kids at heart, ang isang upcoming movie ng Disney Pixar ang Inside Out na malapit na ring ipalabas at magbibigay-aliw at tuwa sa mga bata at sa iba pa, ‘di lang ito pambata, pang-family talaga. Kung saan ang batang babae rito ay magbibigay ng iba’t ibang emotion na dahil sa mga creatures na nasa loob ng ating brains kung ating ii-imagine na mayroong kinakabahan, mayroong masaya, mayroong normal mood, at galit, at iba-iba pa, pero dahil sa hindi inaasahang bagay, may nangyari sa 2 emotions niya, kaya abangan natin ‘yan at panoorin.

May isa pang movie rin na malapit na, ang Pixel, kung saan ay nag-send sila ng satellite sa labas ng mundo upang matuklasan kung may iba pang human creatures sa labas para makipag-communicate din. Pero sa hindi inaasahan, ginamit ng aliens ang informations sa satellite na iyon, nagdala ng iba’t ibang pixelated character games katulad ni Pacman, ng snake, at iba pa. Sobrang tindi at sobrang saya ng action at adventure nila, matalo kaya nila ito?

Ito ang mga ilan sa movies na ating mga abangan at marami pang upcoming movies na ating tututukan kaya ating abangan ang iba’t ibang movies pa na parating na ating panonoorin. Just sit back, relax, and enjoy the amazing upcoming movies this 2015.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

ADVERTISING